TM, IL
CHAPTER EIGHT, GREY'S A PREY?
(Warning: A lot of changing POVs for this chapter. Gomen.)
GREY SUAREZ'S POV
BANDANG mga alas-otso na ng gabi ngunit wala pa rin akong magawa sa party na ito kung hindi ang tumangla sa kawalan. Aalis sana ako para kumuha ng pantanggal uhaw nang bigla na naman siyang dumating.
"O ikaw na naman? Baka mamaya mawala ka na namang parang bula ha. Haha." Nagulat ako ng tumawa rin siya. Wow. Ang ganda pala niya kapag tumatawa eh. Dapat lagi na lang para naman pleasant ang hitsura niya.
"Masyado kang prejudice ha. Don't worry, hindi na ako mawawala ng parang ganun. Oh, hindi pa pala ako nakakapagpakilala ng pormal sa'yo. By the way, I'm A---" Litanya nito at akmang ilalahad niya na ang kamay niya sa akin nang biglang binalot ng kadiliman ang paligid.
=*=
Pagkaraan ng ilang kurap ay natanggal rin ang pagkalabo sa aking mga mata. Hinayaan kong igiya ang aking mga mata sa silid na aking kinaroroonan. Akmang tatayo na sana ako pero sa 'di malamang dahilan ay hindi ko maikilos ang aking mga binti. Tila ba namamanhid ang mga ito. Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto.
"Uy, gising ka na pala." Sasagot sana ako pero hindi ko mahagilap kung ano ang tamang sabihin. Masyado akong nabigla. Bakit? Bakit niya ito ginagawa sa akin? Anong nagawa ko?
"Chill. Alam ko marami kang gustong ibatong tanong sa akin. Pero gusto ko lang malaman mo na kakampi ako. Not an enemy." Pagkasabi niya noon ay tinulungan niya akong tumayo dahil may mahalaga raw siyang nais sabihin.
=*=
MRS. ALIZIA'S POV
Kasalukuyan kaming nagdidiskusyon ng mga miye---kaibigan ko sa isang round table na talagang nakalaan para sa amin nang biglang namatay ang ilaw.
Biglang sumama ang kutob ko dagdagan mo pang may humawak ng kamay ko kaya nanlamig ito. "Relax honey. Ako 'to." I heaved out a sigh of relief dahil ang asawa ko lang naman pala ito. But still, bakit nawalan ng ilaw?
Sasagot na sana ako sa kanya nang muling lumingas ang mga ilaw sa nasabing hall.
"Honey, hindi kaya—" Pinutol ni Hugo ang sasabihin ko at marahang pinisil ang kanang kamay ko.
"Tapos na 'yun, Alizia. We're safe now. Look, our daughter is fine too. See?" I then diverted my gaze sa babaeng nakatayo with her friends at saka ngumiti kay Hugo.
=*=
JOSH GRELLE'S POV
"Lea..der-nim, he's... back." Naputol-putol pa ang pagkakasabi ko dahil sa pagtakbo ko kanina. Humahangos na nagtungo ako sa kinaroroonan nila Alecx at sinabi iyon.
"Yeah." Napaawang naman ang bibig naming apat nila Kenjie at ng kambal nang marinig ang sinabi ni leader-nim. Sa kabila ng pagkawala ni Grey ganun na lang yun? Panandaliang katahimikan lamang ang nagawa namin ng umalis si Alecx.
"Yun na yown?" Pabirong tanong ni Kenjie kaya naman napatawa kami na siya namang bumasag sa katahimikang yumayakap sa amin.
"Iba talaga ang chill mode ni Master. Ibang klase. Siya na talaga ang pinaka-cool na babaeng nakilala ko." Hindi ko alam kung natatae ba itong si Calix o talagang kinikilig lang siya?
"Pinaka-cool lang ba talaga? Naku bro, baka iba na 'yan. Kakambal kita 'no! 'Di mo ko mapaglilihiman. Hahaha." At ito na nga ba ang sinasabi ko, na-hot seat tuloy si Lix ng sarili niyang kakambal.
Sasali pa sana ako sa panggagatong ng tukso kay Calix nang ma-realize ko na naiwan ko pala si Frances kanina. Shit. Magtatampo yun for sure. Sumigla kase ang adrenaline rush ko nang maalala ang misyon namin nila leader-nim.
Nang makarating na ako sa kaninang kinauupuan ni Frances ay napansin kong wala na siya roon. Kaya naman agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong coat. Ring lang ito nang ring at parang wala talaga siyang balak sagutin lalo na nang tuluyang maputol ang linya. Sinubukan kong i-dial muli ang kanyang numero pero this time, cannot be reached na ang salitang tanging naririnig ko.
Hahanapin ko na sana siya ngunit nakita ko si Jinri sa Caller I.D. Agad ko namang sinagot ito.
"Kuya Josh, it's time na po para sa highlight ng ball." Humahagikhik pa ito ng kaunti kaya nahalata ko ang excitement niya.
"Okay, pupwesto na ako sa podium." At in-end ko na nga ang tawag at pumunta sa stage habang hawak ang isang maliit na sobreng kulay gold.
"Good evening, ladies, gentlemen, faculty and staffs. I am the Student Council President, Josh Grelle to formally announce to you that the highlight of this ball officially begins in three... two... and one..." At katulad nga nang aming in-ensayo ay namatay ang mga ilaw pagkatapos kong sabihin ang 'one'. May mga ilang boses kang maririnig ngunit hindi naman gay'on kaingay. Pagkabalik ng ilaw ay nakasuot na ang lahat ng tao ng kani-kaniyang maskara at nasa iba na ring puwesto ang mga iyon. Kitang-kita ko pa ang excitement sa mukha ng Azukas kaya napangiti rin ako. Oo nga pala, pagkahudyat ko ng 'one' ay nakababa na rin ako sa stage at sumama kay Frances na kanina'y nasumpungan ng aking mga mata. Teka, kanta ata iyon? Napailing na lamang ako sa naisip.
"Nice, Grelle. Mukhang nawiwili naman si Suarez eh. Let's just wait for the progress." Sambit ni Alecx at saka ito kumuha ng drinks sa dumaang waiter.
"Ang cool talaga ng mga ideya mo 'tol. Imagine, talagang natutuwa ang mga transferees sa nakikita ko ngayon." Sabi naman ni Kenjie, kaya napatingin ako sa dance floor na puno ng mga transferees na masayang nagsasayaw.
"Baka naman ikaw ang natutuwa, Schnapp?" Pambabara ni Alecx ng mapansing kung sinu-sino ang babaeng transferees ang tinitingnan nito.
"Master talaga. Hanggang tingin na lang naman ako ngayon. Kase para sa transferees ang gabing 'to huhu." At parang bading na saad nito kaya naman napairap na lamang ako.
"Pero alam niyo, I hope na this will work out good diba? Yung talagang magiging close sa isa't isa ang mga transferees na 'yan." Sinserong linya ni Calix kaya naman napatango kaming lahat.
"Pero alam niyo..." Napatigil naman ang lahat nang magsalita ang kanina pang tahimik na si Clint.
"Hindi namin alam." Sagot naman ni Kenjie kaya binatukan siya nito.
"Pero alam niyo..." Tahimik kaming nag-abang sa sasabihin ni Clint maging si Leader-nim tumigil sa pagdutdot sa cellphone niya at nakinig dito. Pero ilang saglit lang ay tumayo na agad si Leader-nim sa 'di malamang dahilan.
"Pero alam niyo, ang gwapo ko talaga." Sandaling katahimikan ang nanaig sa table namin nang biglang magyaya si Frances na umuwi na. Kaya pala umalis si Alecx. Narinig niya siguro ang nasa isip ni Clint kaya nauna na siyang lumarga.
Nakakailang hakbang pa lamang kami ni Frances nang biglang may tumawag daw na chicks kay Kenjie at pupuntahan niya raw ito. Si Leader-nim naman ay dire-diretso lang sa may hallway papuntang parking lot na exclusive for us only kaya sumabay na rin kami sa kanya. Samantalang si Calix ay hindi na rin kinaya ang kahibangan ng kapatid at sinabing bigla siyang tinakasan ng pandinig. Nalulungkot ako para sa mga kaibigan ko. Hahaha.
CLINT'S POV
"Teka, Lix. 'Diba hindi ka naman bingi? So anong palabas 'yan?" Kakamot-kamot naman itong kakambal ko sa kahibangan niya. Hays.
Tumigil ako saglit at saka sinabing, "Selective deafness, bro." At saka ako kumaripas ng takbo para sundan yung iba.
Tatakbo na rin sana ako para batukan ang magaling kong kakambal nang may bigla akong naramdamang dumaan sa likod ko. Ngunit ng nilibot ko naman ang paningin ko sa area ay wala namang tao dun maliban sa'kin. Hayyy, Sa sobrang gwapo ko naghahallucinate na ako.
SOMEONE'S POV
Sige lang. Sulitin niyo lang ang masasayang araw niyo Azukas.
BINABASA MO ANG
Trust Me, I'm Lying
Misterio / SuspensoTRUST ME, I'M LYING--- Grey Suarez, a transferee in North Polaris Academy, who discover the school's hidden lie. He then begin unravelling the school's curse, worst? The LIES. He discovered her presence, soon realizing that no one else in the class...