" Mahal kita"
Written by: Zilver Blaze IIHindi ko alam kung paano gagawin
Hindi ko alam kung paano sasabihin
Sa paanong paraan ko ba babanggitin
Mahal kita salitang di ko babawiin.Nagsimula bilang magkaibigan
Hanggang ang isat-isa ay naging sandalan
Subalit sarili'y di ko namalayan
Ako na pala'y mahulog na sa iyo ng tuluyan.Nahulog ako pero di mo sinalo
Dahil sabi mo kaibigan mo lang ako
Kaibigan na nagmamahal sayo
Mahal kita, itaga mo pa sa bato!Ilang beses sinabing mahal kita
Subalit pag-ibig ko di mo makita
Panulat na ballpen maubos man ang tinta
Wala akong paki basta Mahal kita!Masakit man na may kasama kang iba
At sa akin ay pinamumukha mo pa
Gusto ko sapakin kayong dalawa
Pero mahal kita, ayokong saktan ka.Saktan ka ang kelan ma'y di ko gagawin
Sa lahat ikaw ang aking uunahin
Ikaw rin inspirasyon sa aking aralin
Mahal kita akin pang aaraw-arawin.Makita ka kumpleto na aking araw
Sa buong buhay ko ang buwan ay ikaw
Tanging ikaw lang nais na matanawMahal kita kelan may di ako bibitaw.
Pag-ibig ko sayo lamang ibibigay
Pati buhay ko sayo ay iaalay
Sana makasama ka habang buhayPagmamahal sayo hanggang ako'y mamatay.
Pagmamahal sayo parang pulang rosas
Na kahit kelan sa ganda'y di kumukupas
At kahit ilang linggo pa ang lumipas
Mahal kita sa kahit anong oras.Lumipas man itong mahabang panahon
Dumaan man ang madaming taon
Hangga't ako ay may pagkakataon
Mahal kita sa limot wag mong ibabaon.Mahal kita, salitang di ko babawiin.
Mahal kita, salitang aking sasabihin.
Mahal kita, wag mong lilimutin.Mahal kita, sana sa akin sabihin mo rin.