From Crush To Kuya

26 4 0
                                    

Title: From Crush To Bestfriend
Author: Zilver Blaze II

Requested By: Hahaha alam mo na kung sino ka

Sa pag-ibig kahit sino pwedeng tamaan
Pana ni kupido di mo maiilagan
Pagmamahal sa iba di mo maiiwasan
Pag-ibig na kaya sarap dapat mong maranasan.

Di ko sinasadyang makilala ka
Sa unang ngiti mo lang akong tinamaan na
Ang gwapo mong mukha nais kong makita
Hayst pag-ibig nga naman nandamay pa

Crush kita aaminin ko
Isang akong tagahanga na nagmamahal sayo
Nais kong makuha atensyon mo pero papano
Kinakabahan ako kapag andyan iyong anino.

Pagmamahal sa iyo'y di ko mapipigil
Sa lambot ng pisngi mo ako'y nanggigigil
Paghanga sayo hindi ko matigil
Hand akong magsilbi sayo di ako maniningil

Sa dami ng nagkakagusto sayo wala akong laban
Hindi ako mayaman meron lang akong kagandahan
Pero kung kabaitan ang pagbabasehan
Pwes, panalo ako dyan!

Ang maging tayo alam kong malabo
Tanggap ko na rin kung ano ako sayo
Isang tagahanga at estranghero
Estranghero na nagmamahal nang totoo.
Hindi man tayo nagkatuluyan
Nagi naman tayong magkaibigan
Naging kuya pa kita nang di ko inaasahan
Kuya-kuyahan na tunay na maaasahan!

Yung salitang from crush to kuya
Tunay na Nakakatawa pero masaya
Hindi man ako naging girlfriend nya
Nakahanap naman ako nang bestfriend sa kanya!

Mga tula ni Makatang FilipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon