Title: Magkaibigan o Magkaribal
Author: Zilver Blaze IIRequested By: Alam mo na kung sino ka hahaha
Magkaibigan o magkaribal?
Isang tanong na sa isip ko'y sumasagabal
Pagkakaibigan kaya nga bang isugal
Para sa pag-ibig na dinarasal.Tayong dalawa matalik na magkaibigan
Sa lahat ng bagay palaging tulungan
Palaging magkakampi sa bawat kaguluhan
Maging sa kalokohan walang iwananSa lahat ng bagay hati tayong dalawa
Kahit maliit na kendi hinahati pa
Salitang inggitan di natin kilala
Dahil ang turingin nati'y magkapatid na.Pero anong mangyayari kung pag-ibig na ang usapan
Pareho tayo ng lalaking kinahuhumalinganPagkakaibigan kaya pa nga bang pahalagahan
O magtatapos nalang ba sa malungkot na katapusan.
Bakit pareho tayong nahulog sa iisang lalaki
Bakit pati sa kanya tayo'y maghahati
Sa tuwing dadaan ka di ko alam kong ako ba'y babati
O guguhit ba sa aking mukha ang pekeng ngiti.Sa dami ng lalaki bakit sa kanya pa
Bakit nahulog ka pa sa kanya
Bakit hindi nalang sa iba
Bes ayokong maging karibal ka!Pero sino ang dapat na maparaya sa atin
Ano nga ba ang dapat nating unahin
Mga tanong kailangan nang sagutin
Bes,agawan natin wag na nating palawakin.Sa pagitan ng pag-ibig o kaibigan
Handa akong itigil ang aking kabaliwan
Ayokong magkaroon pa ng kaguluhan
Dahil sa ating dalawa pareho tayong may karapatan.