Nandito Lang Ako

47 3 0
                                    


Title: Nandito Lang Ako
Author: Zilver Blaze II

Nandito lang ako alam mo yan
Sa kahit anong mangyari di kita pababayaan
Awayin mo man ako di parin kita iiwan
Pagmamahal ko sayo wag mong husgahan.

Nandito lang ako palagi sa tabi mo
Itaboy mo man ako di ako marunong sumuko
Aalagan kita yan ay pangako
Umiyak ka man damit ko'y gawin mong panyo.

Paulit-ulit mo man akong palayasin
Di ako magsasawang ika'y pasayahin
Magdilim man ang iyong paningin
Nandito lang ako para ika'y akayin.

Di mo man pakinggan ang aking sinasabi
Presensya ko di mawawala sa iyong tabi
Sa labas ng yong bahay abutin man ako ng gabi
Nandito lang ako tatayo sabay ngingiti.

Saktan mo man ako ng paulit-ulit
At ang damit ko man ang magpunit-punit
Handa kong tanggapin ang iyong galit
Dahil nandito lang ako at kelanmay di kita ipagpapalit.

Marami man ang lumalayo sayo
At sinasabing di ka nila gusto
Pero wag kang mag-alala mahal ko
Di kita iiwan nandito lang ako.

Ilang beses mo man akong sipain
Ilang beses mo man puso ko'y duruguin
Ilang beses mo man akong paasahin
Nandito pa rin ako para ika'y mahalin.

Darating ang araw na magiging tayong dalawa
Handa akong masaktan makasama lang kita
Palagi akong aasa sayo sinta
At nandito lang ako para alalayan ka.

Nandito lang ako

Mga tula ni Makatang FilipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon