Title: Pangako
Author: Zilver Blaze IIMahal, tanda mo pa ba ang ating pangako?
Pangako nating dalawa na walang susuko?
Walang susuko kahit nasa tigkabila tayong dako
Pangakong sana'y kailanma'y hindi mapapako.Magkaiba man ngayon ang ating mundo
Pilit man nila tayong pinaglalayo
Pero hindi nila mapipigil ang puso ko
Babalik at babalik ako sayo.LDR man ang ating relasyon
Sinusubok man tayo ng pagkakataon
Hindi man tayo magkasama ngayon
Na sa'yo parin ang aking atensyon.Yung pangako natin sa isat'isa
Na maghihintayan tayong dalawa
Hindi tayo hahanap ng iba
Sa puso natin mananatili ang pag-asa.Mahal ko, pag-aaral ating tatapusin
Isang araw, dyan sa pilipinas akin kitang dadalawin
Araw araw aking hihintayin
Makauwi sa bansa at ikaw ay yakapin.Di man tayo nag-uusap sa personal
Magkikita rin tayo patuloy kong dasal
Na sa larangan nang aking pag-aaral
Uuwi din ako sa tabi mo di na magtatagal.Sa magkaibang bansa man tayo nakatira
Pero pangako ko balang araw tayo'y magsasama
Pangakong di kayang putulin ng iba
Pangakong sa paglipas ng panaho'y di mabubura.Mahal kita tandaan mo yan palagi
Pangako ko kelan ma'y di mababali
Yayakapin kita sa aking pag-uwi
Sa lahat ng kulang ko ako na'y babawi.Pangako.