''Panaginip"
By: Zilver Blaze
Umaga na naman at muli kong titingnan
mga litrato mo noong tayo'y nasa paaralan
ang gwapo mong mukha ay muli kong mamasdan
at titingnan ang mukha mong nakangiti sa larawan.Gusto kong lumapit sayo at magpakilala
pero kapag lumalapit ka nauuna ang kaba
sa sobrang kilig ako'y nauutal na
at para bang may sakit na namumutla pa.Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo
ikaw pa ang nagustuhan nang pihikan kong puso
mabait ka at maginoo
pero hindi iyan ang dahilan kung bakit kita ginusto.Heto na naman at muli kang inaabangan
pasilip-silip sa labas ng silid-aralan
baka sakaling maamo mong mukha muli kong masilayan
dahil ikaw lang tanging kaligayahan.Sa wakas heto ka na at dumating
kasama ang yung kaibigan na sa aki'y walng dating
narinig ko na pinag-uusapan nyo ang tungkol sa piging
nang sabihin mong wala kang kapareha ako'y nabahing.Dahil doon sa aki'y bigla kang napatingin
lumapit ka pa para lang ako'y kilalanin
sabi mo pamilyay ako sa iyong paningin
pangalan ko pinilit mo pang banggitin."Pea? Mea? Lea?" mga pangalang nabanggit mo
napakamot ka pa sa iyong ulo
natawa nalang ako dahil sa pangalan ko'y di ka sigurado
"Bea. Ako si Bea." pagtatama ko.tumawa ka ng malakas nang maalala mo aking pangalan
naalala mo din na noo'y tayo ay magkaibigan
"Kamusta ka na?" ang tanong mo sa akin
Heto mahal pa kita ang nais kong sabihin.Mula nang oras na yun inaaya mo akong kumain
naglakad tayo papuntang kanten habang malamlam ang hangin
bawat minutong kasama ka gusto kong namnamin
dahil sa wakas ako na'y iyong napansin.ayoko nang palampasin oras na kasama ka
sa oras ay tumigil na at heto na
humarap ka sa akin at nagsalita
" Bea, pwede ka bang maging kapareha?"Bago ako sumagot isang tunog ang sa akin ay gumising
hindi ko namalayan ako pala'y nakatulog na nang mahimbing
nakatulog dito sa matigas naming ding-din
pero nalungkot ako dahil ako'y nagising.Nagising na pala ako sa katotohanan
na hindi talaga ako papansinin nang aking hinahangaan
At ang turing lang nya sa akin ay kaibiganAt hanggang sa panaginip lang ang aming pagmamahalan.