·
"Bakit?"
By: Zilver Blaze
Bakit ang hirap tanggapin na wala na sya?
bakit ang hirap isipin na mayroon na syang iba?
sa piling ko ba di sya naging masaya?
o naging tanga lang ako habang nasa tabi nya?Ang daming bakit na tumatakbo sa aking isipan,
na kung bakit nya ako iniwan?
bakit di nya ako binalikan?
at bakit ba paulit-ulit akong nasasaktan?Bakit wala ba akong karapatan para maging masaya?
palagi nalang ba akong mag-isa?
palagi nalang ba akong aasa?
Tapos andun yung taong mahal ko sa piling ng iba!Gusto ko syang habulin at tanungin,
pero hindi ko alam ang aking sasabihin.
gusto ko syang sampalin at sakalin,
pero mahal ko pa sya at di ko kayang gawin!Bobo ba ako? Siguro.
Tanga ba ako? Alam ko.
minahal ba ako ng mahal ko? hiindi.
dahil iyan ang totoo.Heto na naman yung tanong na bakit,
bakit ba nya ako pinag-palit?
bkit andito pa rin yun sakit?
bakit di nya ako mahalin kahit pilit!Bakit hanggang ngayon mahal ko pa sya?
di ba mayroon na syang iba?
bakit ang mag-move-on di ko magawa?
kasi hanggang haggang ngayon umaasa pa ako sa kanya!Tama na!ayoko na!
ayoko nang masaktan pa!
alam kong masaya na sya sa iba!
kaya hindi na ako aasa pa!Pero bakit hindi ko sya makalimutan?
teka,bakit na naman ako may katanungan?!
ayoko na ulit magpasakop sa katangahan
kasi ayoko na maniwala sa mga kasinngalingan.Mahal kita yan ang totoo.
mahal kita pero kailangan na kitang suko.
mga bakit,itatapon ko na pangako.
basta mahal kita,yan ang totoo.