Paalam

12 2 0
                                    


title: Paalam
Author: Zilver Blaze II

Paalam.....
Salitang narinig ko mula sa bibig mo
salitang di dapat narinig ngtenga ko
salitang biglang sumira ng aking mundo
salitang sana'y hindi nalang totoo.

Ayoko nang magpanggap na di ako nahihirapan
ayoko nang magpanggap na di ako nasasaktan
pero bakit mo ako nagawang iwanan
at magpaalam ka sa akin ng wala namang dahilan.

Dumadaloy ngayon sa puso ko ang sakit
puso ko ngayon parang papel na punit-punit
sa bwisit na paalam na yan nakaramdam ako ng galit
nagpaalam ka at sa iba ako'y pinagpalit.

minahal kita hanggat kaya ko
pero nabuhay lang pala ako ng ganito
sa isang mundo na hindi pala totoo
at nagpasakop sa isang ilusyon at panloloko.

Nangako ka na tayo lang dalawa
pero nalaman ko na mayroon kang iba
nangako ka na tayo'y magsasama
pero sa salitang paalam relasyon nati'y tapos na.

Paalaam.....
salitang sa puso ko'y paulit-ulit na sumaksak
salitang dahilan kung bakit luha ko'y patuloy sa pagpatak
pero nawalan man ako ng kabiyak
pangako hindi na ako muling iiyak!

what more??? Follow me @Zilver_Blaze on wattpad! heheheh lovelots!

-ZiBe

Mga tula ni Makatang FilipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon