·
"Sa Litrato"
By: Zilver Blaze IIGinawa ko ang tula na ito
para mabawasan ang aking pagkalito
upang mawala na rin ang sakit sa puso ko
at baka sakaling mabuo ko na sarili ko na dinurog mo.Sisimulan ko ito sa salitang litrato
litrato natin na kinunan doon sa kanto
isang litrato na sakin ay nagpabago
pagbabago na pinagsisihan ko hanggang dulo.Sa litrato tayo ay masaya
masaya dahil nagmamahalan tayong dalawa
yung sayang akala ko pang habang buhay na
pero ang totoo sa litrato lang pala.Oo! inakala ko na tayo ang magkakatulyan
yung bang relasyon na walang salitang hiwalayan
pero wala palang kwenta ating pagmamahalan
dahil lahat ng sinabi mo puro kasinungalingan.Sa bawat litato tayo ay nakangiti
nakangiti na para bang walang pagsisisi
pero ngayon ang ngiti ko'y napalitan ng hikbi
ang mahalin ka isa palang pagkakamali.Ilang taon din ang ating relasyon
kaya naman mga litrato natin ay naipon sa kahon
pero ngayon mga litrato ay akin ng itatapon
kasama ang yung alaala na sa limot ay dapat ng ibaon.Ayoko nang magtanong kung bakit mo ako niloko
di ka naman kasi marunong makuntento
bagay sayo ang salitang gago
dahil sa akin di ka naman nagseryoso.Ayoko nang isipin lahat ng ginawa mo
dahil lahat ng alaala mo burado na sa isip ko
ayoko nang buksan ang puso ko para sayo
dahil ang pag-ibig ko sayo mananatili nalang sa litrato.