O n e

13K 174 5
                                    




1 year later..

BLAGGGG!!!

Nagkakagulo ang mga tao sa emergency room. May isinugod kasi na nagbanggaan sasakyan at madaming sugatan. Isinugod sa ospital namin ang lahat ng naapektuhan ng aksidente. Pinababa ako ni Sandra sa office para tumulong sa ibaba.

Naglagay agad ako ng gloves at mask bago pa man ako makapasok ng emergency room. Napakaraming dugo ang nagkalat sa paligid.

"Pakikuha ang blood pressure nya." utos sa akin ni Sir Jayvee na nagsuot ng gloves habang chinecheck up mata ng isang lalakeng walang malay. May tama ito sa ulo na nagsanhi para bumuka ang sugat. Kitang kita ko ang dugo na sumisirit mula dun. May mga kasama kaming trainees sa loob na halos mapaiwas sa mga nakikita nila. Hindi talaga biro ang sumabak sa ganitong trabaho. Kailangan matibay ang kalooban at sikmura mo. Last new year nga ang dami sinugod dito na mga bata na naputukan. Kitang kita ko kung paano putulin ang mga bahagi na naputukan dahil maaring kumalat ang tetano at para maprevent ang pagkalat kailangan ng putulin. Kahit hindi ako nakapag new year nun, parang new year sa ospital sa sigawan naririnig ko dahil sa ginagawa namin.

Napahawak ako sa noo ko at sandaling nilabas ang panyo sa bulsa ko para punasan ang pawis ko. Halos magpaikot ikot ako sa loob para tulungan si Sir Jayvee. Sandali akong naupo pagkatapos namin. Nangawit ang balakang ko sa halos dalawang oras na pagtayo ko dun.

"Here." nagulat ako ng abutan ako ni Sandra ng bottled water. Naupo sya sa tabi ko.

"We need to change" She said pagkatingin sa puting uniform namin. Puro kasi kami dugo. Natawa kaming dalawa sa itsura namin. Sanay na kami. Every week ganito nangyayari sa amin.

"Ayusin mo nga yan.." she said at hinawi ang ilan hibla ng buhok sa mukha ko.

"Asawa ka ng isang Alejo dapat always maganda ka." pabiro nya at natawa ako.

"Maganda naman ako ah." sagot ko with confidence. Tinapik nya ako.

"How are you and Dr. Zander? I heard from the news na nakatanggap sya ng award galing sa The Billionaires." napasinghap ako ng marinig ko yun.

The Billionaires ay isang programa na iniintroduce ang mga bachelors at pinakamayayaman pamilya at tao sa bansa. Matapos ipamana ni Tatay Andro kay Zander ang buong ACG at matapos na maipatayo itong ospital na ito, hindi na mapantayan ang yaman ni Zander at ng mga Alejo. Kaya ako, kahit di lumalabas sa tv kilalang kilala ako.

"Wala pa ba kayo balak mag anak?" nagulat ako sa tanong ni Sandra. Napasimangot ako. Wala ngang nangyari sa honeymoon namin. Nakakainis nga eh.

"Busy lang kami pareho." sagot ko. Kahit sa totoo lang, gusto ko na. Wala lang tyempo.

"Nako, mag ingat ka. Ang asawa mo, one of the most well knowned person dito sa bansa natin. Madaming maghahabol dun." natawa ako sa sinabi nya. Para naman hahayaan ni Zander yun, takot lang nya sa akin.

"I know Zander. Sagad sa buto ang kasupladuhan nun. Kaya I know na hindi sya basta basta magpapapikot sa iba." tinawanan ako ni Sandra. She tapped my shoulder at tumayo.

"Mauna na ako." she said at iniwan na ako. Naalala ko na dadaan ako kay Jirou para ihatid yun mga report ng mga bata sa room 43. Saka na ako magpapalit ng uniform ko. Sanay naman sila na madugo talaga ang pagiging nurse. Natawa ako sa sarili ko while thinking of it. Naalala ko when Zander sees me na ganito ang itsura ko at halos maluha sya, akala nya may nangyari sa akin. Namiss ko syang pagtripan. Ilan weeks na kami busy at para kaming LDR.

Sa umaga kasi pagkagising ko, wala na sya. Sa gabi naman magkatabi kami matulog pero di naman ako makapaglambing dahil same kaming pagod.

Sumakay ako ng elevator paakyat sa second floor. May iilan akong nurse na nakasabay at binati ako. Pagkabukas ng elevator, kasabay ko silang lumabas at naghiwa hiwalay na kami. Napahinto ako when I saw a group of doctors na naglalakad sa hallway. Nagulat ako ng makita ko si Zander na kausap nila. Naalala ko na may mga gusto mag invest sa ospital "namin".

That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon