F i v e

4.7K 90 0
                                    





Pinanonood ko sya habang natutulog. Para syang baby. Ibinalot ko sa kanya ang jacket na suot ko. Tatayo sana ako para kumuha ng unan pero hinawakan nya ako. Gising pala sya.

"Dont leave.." he said at naupo ako. Tinabihan ko sya. He just rubs my hand habang hawak nya ito parang nag iisip.

"Lets go to Cannes." nagulat ako sa sinabi nya.

"Ha? Tapos na ba yun paghahanap mo kay Gascon?" Tumango sya. Kaya siguro hindi sya sumasagot sa tawag ni Jasper.

"Lets go to Cannes.." pagpupumilit nya. Tumango ako.

"Ano bang gagawin natin dun?"

"Our honeymoon." nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Honeymoon.. Talaga ba?

"Ahhh--"

"And I'll just need to talk to some investors." napahinga ako ng malalim ng sabihin nya yun. Akala ko naman honeymoon lang talaga ang gusto nyang gawin dun. Bigla ko tuloy naalala yun sinabi ni Lev na maypagka pervert si Zander.

Matapos nyang magpahinga. Pinaayos nya sa akin ang maletang dala ko. Agad agad gusto nyang bumyahe kami papuntang Cannes. Tinignan ko sa mapa ng France kung saan ang Cannes, halos dulo na pala iyun ng France at tabing dagat dun. Hindi gaanung malamig sa part na yun hindi katulad dito sa Paris.

"Your leaving.." said Theo pagkadating. Nasa sala na kasi lahat ng gamit ko at binababa na ni Bon. Nasa kusina si Zander at nagkakape.

"Were going to Cannes." he said to Theo. Tumango lang ang bata halatang ilang kay Zander. Nilapitan nya ako.

"We'll be in Cannes the day after tomorrow." bulong nya sa akin.

"Ano bang meron sa Cannes?" asked ko kay Theo na parang big deal ang pagpunta dun.

"Its the Alejo's reunion." nagulat ako ng marinig ko yun.

"Pupunta lahat ng Alejo sa Cannes this coming Friday. From the States, Philippines, Europe and around here in France." halos mashock ako sa sinabi nya.

"Lev will be there too right?" tanong ko at tumango sya.

Napaisip ako. Alam ko na close na kami ni Lev pero hindi naman gusto ni Zander yun. Naiipit tuloy ako.

Bago kami makaalis, nagbilin ako kay Theo na hanapin kami once makarating sila ng Cannes. Hindi ko din alam kay Zander kung balak ba nyang umattend sa reunion. Hindi na kami nag uusap simula ng makasakay kami ng sasakyan nya.

Nasa back seat kaming dalawa at hindi nag uusap.

"I saw you with Martin." nagulat ako ng banggitin nya yun. Nanigas tuloy ako sa kinauupuan ko.

"Masama bang kausapin ko sya?" tinaasan nya ako ng kilay.

"Were not close. I dont want him being near with you. Avoid him.." nagulat ako sa sinabi nya.

"Bakit naman? Mabait si Lev." nagsalubong ang kilay nya ng marinig ang sinabi ko.

"You dont know him.."

"I know the story behind your hatred.. Ikaw lang itong nagmamatigas."

"Sam.. Stop.." he whispered.

That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon