N i n e

4K 88 2
                                    








Nasa itaas kami at hinihintay na magsimula ang event. Tanaw na tanaw ko sa ibaba ang mga Alejo na nagkalat. Hindi ko akalain na ganito kalaking pamilya ang papasukin ko. At maaring makalaban ko.

"We got your back.." bulong ni Lev.

"Hindi ko pa nakikita si Zander." I said. Hinawakan nya ako sa pisngi.

"This time. You don't have to look for your husband cause he'll look for you.." ngumiti ako..

Maya maya..


"Bonsoir Madame! Monsieur! Bienvenue de Cannes Great Beach de Resortù!" panimula ng host ng event. Medyo may edad na ang nagsasalita pero napakaganda pa din ng tinig nya.

"Tonight, we will witness the 30th Alejo De Reunion here in Cannes Great Beach with our special guests all the way to Europe, United States and Philippines. Lets start to call in our guests for our guests walk." nagulat ako ng marinig yun. Nasa likuran ko si Lev. Nakatanaw ako sa ibaba para makita si Zander dahil sila ang unang ipapakilala. Unti unti na din tinanggal ni Lev ang long sleeves ko. Ramdam ko kaagad sa likuran ko ang lamig pero tuwid pa din ako sa kinatatayuan ko.

"Stay sexy." Lev whispered at nagblushed ako.

"Lets welcome the family of Andro Salles Alejo with his daughter Alexandra Alejo.

Nakita kong bumaba sa hagdan ang mag ama. Habang bumababa sila, nasa kanila ang atensyon at palakpakan ng tao. Sumasabay ang malamig na musika ng nanggagaling sa orchestra. Matapos makababa ng mag ama.

"I'm proudly to introduce the new heir and CEO of Alejo Group of Companies, Mr. Alezander Alejo." nakita ko si Zander na nakagray tuxedo. Napakagwapo ng asawa ko. Naka suklay ang buhok nya pataas. Na lalo nagpaaliwalas sa mukha nya. Nag ahit sya ng maayos at yun ang bilin ko sa kanya. Mabuti nalang di sya halatang stressed dahil halos kalahating araw na kaming di nagkikita. Matapos makababa ni Zander nagpatuloy ang pagpapakilala.

Nakita ko si Leila sa likuran nya. Nanliit ang mga mata ko. Gustong gusto ko ng bumaba at ng mahawakan ko na ang asawa ko.

"Its our walk.." nagulat ako sa pagbulong ni Lev. Mauuna pala syang bumaba.

"Chin up always.." paalala ni Althea. Tumango ako.

Ako nalang ang naiwan at pinanood ko ang pagbaba nila.

"Next is the Twin Alejo's Althea Marie Alejo and Theodore Alejo the kids of late Andrew Alejo." nagulat ako sa narinig. Patay na ang tatay nila? Nasaan ang nanay nila? Pinanood ko sila sa pagbaba nila. Then sumunod si Lev.

"Next is Mr. Levi Martin Alejo the son of the late Mr. Levino Alejo." nagpalakpakan ang tao ng bumaba si Lev. Kumakaway pa sya habang pababa at natatawa ako. Nakita ko syang sinalubong ng magkapatid. Habang si Zander hindi umiimik sa isang tabi. Hinihintay  nya kaya ang pagbaba ko?

Susunod na ako na tatawagin. Kinakabahan ako at lahat sila nakatingin na sa akin. Pinilit ko magrelax dahil baka madapa naman ako.

"Next is Mrs. Samuella Vigor- Alejo. The wife--" He paused ng magulat sya.

"The wife of Mr. Alezander Alejo!!" bahagyang lumapit si Zander sa hagdan para siguro sunduin ako once makababa ako.

Nang marinig ko ang pangalan ko.. Humawak ako sa banisters. At lumakad ako na medyo nakatagilid ang katawan ko to show that stunning slit na halos magdala ng dress ko. Kitang kita ang skintoned lingerie ko. Wala akong marinig na palakpakan. Hindi ko alam kung hindi lang sila agad makapagreact sa pagbaba ko. Dahan dahan akong bumababa ng hagdan. Nakatingin sa mga taong nagsisimulang magpalakpakan. Ngumiti ako ng bahagya. Hindi ako bumitaw sa banisters hanggang makababa ako. At nagrereflect sa ilaw ang mga sequins sa buong dress ko na para bang kumikislap ako. Its true that I'm like a shining star.. Hindi ko namalayan si Zander ng abutin ang kamay ko. Nakatingin sya sa akin at hindi makapagsalita. Alam ko na nun lang nya ako nakitang ganun.. I mean that daring dress.. Grabe..

That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon