T e n

4.4K 86 0
                                    






Mabilis akong isinakay ni Zander sa itim na Lambourgini sa labas ng hotel. May naghagis sa kanya ng susi pero hindi ko na maaninag sa tinted na salamin ng kotse.

"Saan tayo pupunta?" mabilis kong tanong kay Zander na nagmamadali.

"Were going back to Paris." nagulat ako. Agad agad babalik ng Paris eh nasa kalagitnaan kami ng party. Sira ulo talaga to. Mabilis nyang pinaandar ang kotse. Napakapit ako sa kinauupuan ko sa biglang pag andar ng sasakyan.

"Move in to the back seat." utos nya.

"Bakit?

"So you can rest your feet." napatingin ako sa paa ko na namumula dahil sa paltos. Lumipat ako sa back seat. Tinitignan ko si Zander habang nagdadrive. Tinatanggal nya ang necktie nya na parang sumasakal sa kanya. Mabilis syang nagpapatakbo at halos magkanda kalog kalog ako sa loob.

"Bakit ka tumakas dun? At dinahilan mo pang may sakit ako." nagsimula na ako ng topic habang nagmamaneho sya.

"Nagmeeting kami about ACG. They want me to work here permanently." nagulat ako sa sinabi nya. Permanent it means lilipat kami dito pag nagkataon.

"Eh bakit ka nga umalis?" pagpupumilit ko.

"They want me." nagtaka ako sa sagot nya.

"Magtatrabaho ako dito pero iiwanan kita sa Pinas. I was so mad ng malaman ko yun. That's why I gave up my position." halos mapasubsob ako sa biglang pagpreno nya at ng marinig ang sinabi nya.

"Ano! Nagresign ka?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. I dont need that position. Kung ang kapalit iiwanan kita sa Pinas. They me gave an agreement. Pupwede naman ako umuwi every month. But I refused. Yun nga na di kita nakasama ng 4 years when I moved to States kinabaliwan ko na. Lalo pa ngayon na mag asawa na tayo and then iiwanan kita sa Pinas mas lalo akong mamamatay sa lungkot. I told them na kung gusto nila ako para lang mas mapalawak ang ACG then they should find another one na papalit sa akin. Pinunit ko ang agreement sa harapan nila." napahawak ako sa labi ko.

"Alam ba ng tatay mo yun?"

"He was there. And he never tried to stopped me. It means whatever I decide its up to me." halos matawa ako ng marinig ko na pinunit nya ang agreement na yun. Napasandal ako sa kinauupuan ko.

"Nagalit ba sila?"

"Yeah. Bakit ko daw isusuko ang pamana ni Papa sa akin para lang sayo..." He paused for awhile.

"Of course.. Pera lang yun. Kayamanan. At kung kayamanan ang pag uusapan. I choose you over money and fame." napangiti ako sa narinig ko. Nanahimik nalang ako sa kinauupuan ko. Hindi ko na sya pipigilan kung saan nya ako balak dalhin. Tutal naman mas pinili nya ako kaysa sa nag aabang na limpak limpak na kayamanan para sa kanya. Zander still is a child.. A softhearted child..








---




Hindi ko namalayan ang mabilis na byahe sa sasakyan. Nakatulog ako dahil sa lakas ng aircon at sa lamig na pumapasok sa kotse. Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Pinilit ko imulat ang mga mata ko. Madilim pa..


That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon