T w e n t y F i v e

3.5K 76 0
                                    




20 years ago..


"Sumama kana Zander. Masaya sa Ilocos dun tayo magcacamping!" pilit ng batang Martin sa pinsan nya habang papauwi na sila galing school.

Magkaklase sa highschool ang magpinsan Martin At Zander. Second year na sila pareho. Si Zander ay 13 years old habang si Martin at umeedad naman ng 12.

"Mapapagod lang ako dun." sagot ni Zander.

"Sumama kana. Bahala ka. Mag isa ka lang sa bahay. Uutusan ka lang ni Tito dun." nagulat si Zander at napalingon sa pinsan pangiti ngiti.

"Balak mo ako iblackmail nu."

"Sino nagsabi.. Sumama kana kasi. Andun crush mo si Yana." pangungulit pa ni Martin.

"Hindi ko nga crush yun!!"

"Hindi mo pala crush, edi sumama kana." Napahinga ng malalim si Zander.

"Oo na. Magtigil ka lang." naexcited si Martin.

"Sabi mo yan. Nairecord ko na. Wala ng bawian."

Napilitan na sumama si Zander sa pinsan sa isang Camp and Tour na gagawin nila sa Ilocos. First time nila pareho doon kaya excited sila na makarating maliban kay Zander na wala talaga sa loob ang pagsama.


---

Inabot ng sampung oras ang byahe nila papuntang Ilocos. Nakasakay sila sa isang tourist bus na pag aari din ng school. At kasama ang buong klase na kinabibilangan nila Zander at Martin.
Nakarating sila ng maaga sa Ilocos Sur. Huminto muna sila sa ibat ibang tourist spots bago tuluyan tumuloy sa campsite.

"Andito na tayo. Oh yun mga bag nyo. Wag nyo kalimutan dalhin!!" sigaw ng teacher nila.

"Bag mo Martin!" kinuha ni Zander ang bag na naiwan ng pinsan nya sa ibabaw ng upuan nila.

Sabay silang bumaba ni Martin kasama pa ang iba nilang mga kaklase.

"Wow.." said Martin ng makita ang campsite. Nasa loob sila ng isang gubat. May mga cabin sa paligid at camp fire May mga tent, camp grounds at play ground.

"Oh may katag team tayo na school.. Makakasama natin ang Brgy. Longos Elementary School." nagulat sina Zander sa sinasabi ng advicer nila.

Nagtaas sya ng kamay.

"O Alejo? Ano yun?"

"Mam, may makakasama kaming school? What do you mean?"

"Nakikinig si Alejo kaya makinig kayo." sita ng advicer nila sa mga babaeng nasa harapan na kinikilig ng magsalita si Zander.

"This was organized by our Admin. Kaya tayo may makakasamang ibang school for us to challenge ourselves how to be in a team.. How to socialize and communicate sa mga batang mas bata sa inyo. How would you handle them.." nagulat ang magpinsan. Ibig ba nilang sabihin may kasama silang bata.

"May kasama pa tayo bata!" bulong ni Zander kay Martin na natatawa.

"Masaya yun."

"Alam mo to no. Di mu lang sinabi kasi alam mo di ako sasama!" inis na sinabi ni Zander.

"Syempre. Malamang. Slow mo talaga." asar sa kanya ng pinsan.

Maya maya tinawag ng advicer nila ang mga estudyante na galing sa ibang elementary school na makakasama nila. Pumila sa harap nila ang isang grupo ng mga bata na di nalalayo sa 7-8 ang edad.

That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon