S e v e n

4.7K 87 0
                                    





Rod handed an invitation to Zander. Kalalabas ko lang ng kwarto ng makita ko yun. Nagpalit ako ng casual after ko maubos ang kape na iniinum ko. Naupo ako sa couch where Rod is.

Napansin ko ang pagbabago ng wangis ng mukha ng asawa ko habang binabasa ang nilalaman ng invitation.

"Zander?" binigay nya sa akin ang invitation. Bahagya syang napahawak sa noo nya at tumingala. Nagsalubong ang kilay nya. Bakit kaya?

Binuksan ko ang invitation.

Alejo De Reùnion
This Friday Night.

At Cannes Great Beach de Resortù
Special Guests:

Alezander Alejo
CEO of  Alejo Group of Companies

Andro Salles Alejo
Former CEO of Alejo Group of Companies

Celestina Schëzt Alejo
Administrator of Alejo Group of Companies

Partnerships;
Leila Hamilton Castillanes
CEO of Hamilton Incorporated

Nagulat ako sa nakita ko. Alam ko na kung bakit ganun nalang ang reaksyon ni Zander.

"Bakit kasama ang babaeng to dito?" mataray kong tono. Nakataas ang isang kilay ko.

"Tita Celestina invited her." hindi ko magets ang sinabi nya. Sino? Hindi naman sya Alejo.

"Well, Tita Celestina is the wife of Tito Levino who's brother of Tito Andro.  Si Tito Levino ang pinaka panganay sa magkakapatid but died years ago. Tita Celes liked Leila so much that she wants Zander to be married with Leila." Nagulat ako sa paliwanag ni Rod.

"Alam mo na ba ito dati pa?" I asked Zander. Tumango sya.

"But, Zander here, just treated Leila as a friend. Kaya lang ng malaman ni  Tita Celes about the wedding. She got disappointed. Alam mo na, she judged you based from what she heard from Leila." nag init ang dugo ko ng malaman ko yun.

"At hindi mo sinabi sa akin Zander?" tahimik syang sumang ayon. Kaya pala tangging tanggi sya na umattend kami dun.

"Anong gusto mong mangyari? Siraan ako ng "kaibigan" mo sa mga kamag anak mo?" pranka kong tanong sa kanya.

"That's not what I meant. I was just protecting you.." he paused.

"From what? Embarrasment? Humiliation? Is that it?" hindi sya makasagot sa sinabi ko. Sa ginagawa nyang pag iwas sa akin sa mga ganun problema parang pinapatunayan na din nyang totoo ang mga kinakalat na paninira ni Leila tungkol sa akin.

"I'm sorry.." he said. Tumayo ako sa kinauupuan ko.

"You'll attend that event. With or without me." I said bago pumasok sa kwarto namin. Hindi ko na hinintay ang sagot nya at binagsakan ko sila ng pinto.

Naupo ako sa kama. Narinig kong kumakatok si Zander pero hindi ko sya inimik. Naluha ako. Hindi ko alam na ganun ang pagkakakilanlan sa akin ng pamilya nya. Paano nya nasisikmurang pakinggan ang mga kahihiyan kinakalat ni Leila. At alam nya na pala. Gusto nya akong protektahan, pero nilalayo nya at pilit nya akong tinatakas sa problema. Kung hinaharap namin yun.. Sana hindi ganito. Pakiramdam ko umiiwas syang humarap sa tao dahil kinakahiya na din nya ako. Ganun ba yun..

That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon