T w e n t y T h r e e

3.6K 77 5
                                    




Bumalik kami sa bahay nila Mama after namin magpalipas ng tatlong araw sa rest house na gift ni Mama.
Mabuti nalang may nakita kaming trike sa kanto kaya nagpahatid kami.

"MAMA!" sigaw ko kay Mama ng makababa ako ng trike habang si Zander kinukuha ang mga gamit namin. Nakita ko si Mama sa may terrace.

"SAM!" sigaw nya at mabilis kaming sinalubong. Nagulat ako. Niyakap nya ako. Iba ang reaksyon ni Mama ng makita kami.

"Ma? Okay ka lang?"

Hinawakan nya ang mga kamay ko.

"ZANDER!" tinawag nya ang asawa ko. At lumapit.

"You need to go back to Manila." nagulat kaming dalawa ni Zander.

"Bakit po?"

"Si Andro daw inatake!!" nanlumo kami sa narinig. Hindi nakapagsalita si Zander sa narinig. Kahit ako.

"I already booked tickets for the both of you.. Kailangan nila kayo." hawak ni Mama ang mga kamay ko. Nakatingin ako kay Zander na hindi maipinta ang emosyon sa narinig. Hindi namin inieexpected to.

"Sige po Ma." kinuha ni Mama ang mga gamit namin at nagtawag ng jeep na maghahatid sa amin sa daungan.

"Zander.." hinawakan ko ang kamay ng asawa ko. He won't utter a word.. Bakit?

"Mahal. Uuwi na tayo. Makikita natin ang Papa mo." I said to him and he hugged me. Nagulat ako. Hindi sya nagsasalia but his silence explains everything. He can't lose a father.. He can't lose a parent again. I rubbed his back.

"Okay lang si Tito Andro." Tumango sya. Madali kami pinasakay ni Mama sa jeep pero nagpaalam muna ako kay Lolo at nangako na babalik nalang sa pasko.

Hindi pa din nagsasalita si Zander habang nakasakay kami sa jeep at hanggang sa makasakay kami ng bangka. Nag aalala ako na ganito ang pakiramdam nya nung bata sya at namatay ang nanay nya. At nung napahamak ako.

Hinatid kami ni Mama hanggang airport. Niyakap nya ako. 11AM ang flight namin.

"Ma salamat po." paalam ko kay Mama. Alam ko nag aalala din sya kay Tito Andro. Halos maluha luha sya kanina ng sinalubong nya kami.

"Ang sabi ni Alexa, sya daw nagbabantay sa Papa nya. Hindi pa nagigising si Andro pero dapat andun na kayo." bilin ni Mama.

Tumango ako. Niyakap ko sya sa huling sandali bago kami magcheck in ni Zander.


---


Nakasakay kami ng eroplano ayon sa schedule ng byaheng Manila. Hawak ko ang kamay ni Zander hindi ko sya binibitawan. Bakit ganun? Kung kelan okay na kami, masaya na. Saka dadating ang ganitong problema sa pamilya nya.

"Mahal. Matulog kana muna." I said to him at sumandal sya sa balikat ko. Pumikit sya.

"Magiging okay din ang lahat. I promise." bulong ko at nakatulog sya.



---

"Mam okay na po. Mag pupull out na po ang lahat ng investors ng Divine Heart.." sabi ng lalakeng hindi matukoy ang itsura dahil sa nakasumbrero ito. Kaharap nya ang isang babaeng naka dress na pula at nakaupo sa isang table. Hawak nito ang isang pa upos na sigarilyo. Saka pinatay.

"Good. When everything is gone.. Zander will be back begging for my help.." nakangiting sinabi ng babae.

Nakapatong sa table nya ang ilan papers na kinuha ng asset nya sa Divine Heart. Lahat ng yun laman ang informations ng mga investors ng Divine Heart.



That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon