F o u r

4.5K 90 3
                                    





Nawalan ako ng malay dahil sa pagod at panahon sa France. Iba ang lamig sa France at para di kakayanin ng katawan ko.

Naramdaman ko ang paghaplos sa buhok ko, parang ginagawa ni Zander bago kami matulog. Namimiss ko sya. Gusto ko syang makita.

"You okay now?" nagulat ako sa narinig ko. Napadilat ako and I saw him again. Sya pala ang humahaplos ng buhok ko.

"Ah!" pasigaw ko at bahagya akong lumayo sa kanya. Nakasandal kasi ako sa chest nya.

"Hey. Hindi naman kita sasaktan. I was just trying to make you feel better. Bumagsak ka kanina and were worried about you.." he said calmly. Tumayo sya at nagpunta ng kusina. Saka kumuha ng mainit init na kape mula sa coffee brewer.

"Theo will gonna be here soon." he said paglapag ng tasa sa lamesa.

Tahimik akong naupo saka kinuha yun. Dahan dahan akong uminom. Medyo giniginaw pa din ako. Pinagmamasdan ko sya sa kusina. He really looks like Zander. Para silang kambal. Mas kamaldo lang ito kesa sa asawa ko.

"Oh, by the way, my name is Levi Martin Alejo." he said. Hindi na sya nag offer ng handshake dahil siguro napansin nyang iwas ako sa kanya.

"Sam.. Alejo." sagot ko. Binalikan nya ako ng tingin. Alam ko naman na di ako mukhang Alejo e.

"Zander has a wife?" ulit nya sa akin. Dahan dahan akong tumango.

"Wow. Good for him.." he smiled at nahawa ako sa pagngiti nya na yun. Mukha naman syang mabuting tao. Bakit ko sya kailangan iwasan?

"Nandito si Zander." I said to him. Baka hindi nya pa alam.

"As I expected. Hindi naman nya kami binabalitaan. Maybe about business right?" tumango ako.

"Oo. Nagtatrabaho ka din ba sa ACG?" curious kong tanong. Umiling sya.

"I was once but I resigned. I had my own business here." nagulat ako. Mas pinili nyang magresigned? Bakit kaya?

"Zander haven't told you any of those stories? Right?" hindi ako makatanggi. Hindi naman kasi ugali ni Zander na magkwento ng tungkol sa pamilya nya.

"Hindi eh. Walang time o dahil lang ayaw nya." sagot ko.

"Ayaw nya. I know Zander more than anyone knows. He's like a brother to me. That was before." Nalungkot ako. Ganu ba sila kaclose ni Zander noon? At bakit ngayon iniiwasan nya na to?

"Hey don't worry about the past. For sure nagbago na si Zander ngayon because he's inloved." he said smiling trying to comfort me.

"Can I call you Lev?" I asked him ng hawakan nya ako sa balikat ko.

"Oo naman. I loved new nicknames." natawa ako.

Maya maya dumating si Theo na may dalang pagkain. Sinamahan kami ni Lev sa dining area para kumain. Binigyan naman ako ni Theo ng isang pang mas makapal na jacket para hindi ako ginawin.

Hinainan ako ni Theo ng mainit init na chicken soup. Inamoy amoy ko muna yun dahil amoy palang busog kana.

"You look thin? Kumakain ka ba?" asked Lev na katabi ko. Umiinom pa din sya ng kape na binabalik balikan nya sa may coffee brewer.

"Napapagod eh. Sa work. Madalas sa graveyard ako."

"You shouldn't be too much stressed out. Alagaan mo sarili mo." napatingin ako sa kanya.

"Makinig ka kay Kuya Lev. He's a nutritionist." nagulat ako. Nutritionist?

Natawa si Lev at naupo sa tabi ko.

That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon