T w e l v e

4K 93 1
                                    







Bumaba ng kotse si Ivan matapos huminto sa gate ng bahay nila Sam. Napansin nya ang bag at kalat kalat na gamit ni Sam. Pinulot nya ang naka hang up na call ni Zander.

"Zander?" sagot ni Ivan sa phone.

"Kasama mo si Sam?" Nagulat si Ivan.

"Hindi ko kasama si Sam. Nandito nga ako sa tapat ng bahay nyo. Nandito ang mga gamit nya. Hindi ko alam kung--" He paused. Parang nakarinig sya ng sigaw sa di kalayuan.

"What happened!" Sigaw ni Zander sa kabilang linya.

Hindi na sya sinagot ni Ivan. Patakbo na sya sa direksyon kung saan nanggagaling ang sigaw.









---




Nadapa ako. Halos makaladkad ang katawan ko. Nagtatakbo ako sa talahiban part ng kalsada para sana magtago. Wala naman dumadaan sasakyan sa daanan pinuntahan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magsisigaw.? Pero mahahanap nya agad ako. Bakit? Anong pakay nya sa akin!

"HULI KA!!" nagulat ako ng sumambulat sa akin ang estranghero na nakatakip ang kalahati ng mukha. Ngayon ko lang napansin ang itim na nakatakip sa mukha nya. Nahagip ako ng kutsilyong hawak nya. Mabuti nalang mabilis kong hinarang sa mukha ko ang mga bisig ko kaya't ayun ang nasugatan. Gumagapang sa mga bisig ko ang dugo na nagmumula sa hiwa. Napaatras ako dahil nasa harapan ko na sya.


"HINDI KA TALAGA MADADALA!" nagulat ako ng maglabas na sya ng baril. Kinasa nya yun sa harapan ko. At unti unti na akong nanlambot na para bang hindi na ako makakalaban. Isang putok nun ang tatapos sa buhay ko.


Tinutok nya ang baril sa akin.. Napapikit ako.


BLAGGGGGGG!!" nagulat ako sa malakas na paghampas sa likod ng lalake. Bumagsak ito at nabitawan ang baril. Halos maluha ako ng makita ko si Ivan. May dala syang baseball bat. At halos mawalan na ng malay ang estranghero na nagtangka sa buhay ko. Agad nya ako nilapitan at niyakap.


"Your safe." matapos kong marinig yun. Nag iiyak na ako.









---





Dinala si Sam sa Divine Heart. Tumawag ng pulis si Ivan para ipadampot ang taong nagtangka sa buhay ni Sam. Wala sa ulirat ang kaibigan nya at hindi makausap ng mga kapwa nurse. 




"SAM!!" sigaw ni Zander ng makita ang asawa na nakaupo sa may stretcher at ginagamot ng isang nurse ang mga sugat nya.

Halos manlumo si Zander sa mga sugat na nakuha ng asawa. Mula sa talampakan, tuhod, mga pasa sa binti. Mga hiwa sa mga braso nya gawa ng kutsilyo.


"I-I'm sorry.." nasambit nya habang tinitignan ang asawa. Nanatiling walang kibo si Sam. Aakma sana syang hahawakan ni Zander pero tumanggi sya.


"Wala ka. Wala ka nung kailangan kita." said Sam. Nagulat si Zander.

Hindi na sya makapagsalita ng marinig yun sa asawa. Nasa likuran nya si Ivan at inaya na hayaan muna si Sam na magpagamot. Iniwanan nalang muna nila panandalian ang asawa nya.





---



"Sinong gumawa nito sa kanya!!" galit na tanong ni Zander kay Ivan.


That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon