Chapter 1

1 0 0
                                    

Astrid's POV

"Sa Griyegong Mitolohiya siya si Eros at sa Roman na Mitolohiya siya si Cupid. Ang anak ni Aphrodite. Siya ang pumapana sa dalawang tao upang magmahalan sila." napahikab nalang ako dahil sa discussion ni prof. Napakaboring talaga ng Greek Mythology. Nakakainis!

*bell rings*

Yes! Tapos na ang klase! Sa wakas makakauwi na ako. Agad kong kinuha ang bag ko at umalis na sa classroom. Pumunta ako sa rooftop ng school at umupo sa pinakagilid. Kitang kita mula dito ang mga sasakyang kasing liit na ng mga langgam. Hanggang fifth floor kasi ang school namin kaya yun. Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at niyukom ko ang aking kamao. Napabuntong hininga nalang ako.

Pagod na ako sa buhay ko. Gusto ko ng mawala sa mundong to. Napag isip isipan ko na ito at buo na ang desisyon ko. Ngayon ko na tatapusin ito.

Isa. Dalawa Tatlo

At tumalon na ako. Malapit na sana ako sa ground pero nagulat ako sa nakita ko. Kaharap ko ang isang lalaki at parang may pwersang nagpipigil sakin para tuluyan akong mahulog. At sa tingin ko nanggaling iyon sa lalaki. Unti unti siyang nanghina hanggang sa mawalan siya ng malay. Kaya tuluyan akong nahulog papunta sa kanya. Hindi gaanong masakit ang pagkahulog ko at hindi ko alam kung bakit. Dahil ba yun sa ginawa ng lalaki? Pero impossible! Hindi niya kayang gawin yun.

Dali dali akong tumayo at tiningnan ang lalaki.

Ang unang napansin ko sa kanya ay ang black beanie hat niya. Ang haba din ng pilik mata niya at ang tangos ng ilong. Mapupula din ang labi niya at ang puti puti niya. Mukhang hindi naaarawan.

Wala siyang malay kaya kinabahan ako. Pinatay ko ba siya?

My ghad! Tatawag ako ng ambulansya.

****

"Miss ikaw po ba ang kasama ng pasyente? Tanong niya sakin."

"Opo dok. Kamusta na po ba siya? Ayos lang po ba siya? Buhay pa po ba siya?" Di ko mapigilang sabihin yun. Kinakabahan na talaga ako at di ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Huminahon ka lang. Hes now stable and anytime pwede siyang gumising. And dont worry he will be fine" Pangiting sabi sakin ng doktor at dahil doon ay nabawasan ang kaba ko.

Salamat naman at ayos lang siya. Kung nagkataong mamamatay siya naku!

Ilang oras din ang lumipas ng ilipat na ang lalaki sa kanyang room. Sinundan ko naman siya at binantayan.

Biglang nag ring ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello"

"T*ngina! Umuwi ka na dito babae ka! Bakit hindi ka man lang nagluto dito?!" boses ni nanay agad ang narinig ko. Tsssss. Kainis!

Binaba ko na ang phone ko kasi for sure papagalitan na naman ako nun. Nilagay ko sa bag ko ang phone ko at tiningnan ang lalaki. Pero laking gulat ko ng bigla niyang iminulat ang mga mata niya. Agad akong natigilan. Kulay asul ang mga mata niya at parang may naguudyok sakin na titigan ito.

Dug.dug.dug.dug.

"Nasaan ako?" nanghihina niyang tanong. Natauhan naman ako dahil doon.

"Kuya nasa ospital ka po. Wag kang mag-alala ang sabi ng doktor magiging maayos ka na po" mahinahon kong sabi sa kanya pero kumunot lang ang noo niya.

"Nakikita mo ako?" biglang tanong niya kaya di ko mapigilang magtaka. Anong nakikita? Baliw na ata to eh. Siguro nabagok ang ulo nito kaya nagkaganito. Kung sabagay ako din pala ang dahilan kung bakit nagkadeperensiya ang utak niya.

Nginitian ko na lang siya sabay press sa buzzer sa gilid ng higaan niya. Ilang minuto pa ay dumating na ang isang nurse. Agad niya akong nilapitan.

"Miss ano po ang nangyari?" Hinihingal niyang tanong.

"Sure po ba kayong walang injury ang pasyenteng ito? Nababaliw na ata eh. Kailangan niya pong macheck up for his brain, body at isali niyo na po ang kaluluwa kung pwede" bulong ko pero mukhang narinig pa din ni kuya. Napatawa nalang ng mahina ang nurse sabay tingin sakin.

"Miss ayos lang po siya. Wala pong injury sa kanya at hindi po pwedeng magkamali si dok. Sa katunayan nga po pwede na siyang umuwi ngayon. Kaya excuse me" Sabi niya sabay alis. Uuuuurgh! Nakakainis!

Dahan dahan ko siyang nilingon at laking gulat ko ng makitang nakatingin siya sakin ngayon at nakangiti. Nakaupo na siya ngayon at halatang ayos na nga siya.

"Hindi ako makapaniwala. Nakikita ako ng isang mortal" Mangha niyang sabi kaya pilit nalang akong ngumiti.

"Kuya ano po ba ang pangalan niyo?" Ilang segundo din siyang nag isip.

"Ako si Eros. Ang diyos ng pag-ibig. Pero mas kilala ako sa pangalang Cupid" With confidence niyang sabi kaya napaface palm nalang ako. May diperensiya nga siya sa utak.

Naku! Paano na to? Mukhang kasalanan ko pa kung bakit siya nagkakaganito. Aish! Nakakaguilty.

"Saan ka nakatira?" Tanong ko pa. Kung sasabihin niyang Mt. Olympus naku! Makakatikim siya sakin.

"Sa Mt. Olympus pero minsan lang akong umuuwi doon" pangiti niyang sabi. Baliw na nga ata.

"Oookay since maayos naman yang pakiramdam mo iiwanan na kita. Pwede ka ng umuwi sa Mt. Olympus at wag na wag ka ng babalik dito ah?" Sarakastiko kong sabi sa kanya. Bigla namang lumungkot ang mukha niya.

"Bawal na akong bumalik pa doon" tulala niyang sabi. Bawal? At talagang nakaisip pa siya ng ganun ha? Grabe talaga siguro yung impact.

"Eros first of all hindi totoo si Cupid at pangalawa hindi totoo ang Mt. Olympus at pangatlo imposibleng ikaw si Cupid. Siguro nagka-amnesia ka at siguro gustong-gusto mong maging si Cupid kaya yan ang sinasabi mo. So aalis na ako at----- " Biglang tumunog ang tiyan niya. Agad naman akong nakaramdam ng guilt. Hindi ko siya pwedeng iwan lalo na kapag gutom siya. Sa sitwasyion niya ngayon paniguradong hindi niya naaalala ang pamilya niya at paniguradong wala siyang dalang pera. At kapag namatay siya dahil sa gutom ay paniguradong makokonsensiya ako kaya uuuuuuuurgh!

"A-ano yun?" Nalilito niyang sabi sabay tingin sa tiyan niya. Don't tell me pati pagkagutom nakalimutan niya?

"Paniguradong gutom ka na kaya tara na kakain na tayo" Agad namang nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"Gutom? Ito pala ang pakiramdam pag nagugutom ang isang mortal. Mukhang gusto ko to ah" Excited niyang sabi sabay tayo. Ang sabihin mo lang kasi gusto mong magpalibre. Aish!

Nagsimula na akong maglakad papaalis. At nakasunod naman siya sakin.

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon