Chapter 2

3 0 0
                                    

"Isa ngang chicken tapos barbeque tapos crispy pata tapos burger with fries tapos ice cream tapos isang coke at sampung rice" Nakangiti niyang sabi sa tindera. Nagulat naman ang tindera dahil sa dami ng order niya. Kahit ako nagulat din. Buti nalang sa karinderya ko siya dinala kung hindi paniguradong lugi na ako ngayon. Buti nalang din at nakuha ko na ang sahod ko ngayon. May part-time job kasi ako at sapat lang yun para sa pangangailangan ko.

"Yan lang po ba sir?" Tanong ng tindera.

"Ikaw? May idadagdag ka pa ba?" tanong niya sabay lingon sakin.

"Tubig nalang" pangiting sabi ko sa tindera. Nilista niya ito. Hinila ko naman si Eros papunta sa isang lamesa.

"Kaya mo bang ubusin lahat ng yun?" Kunot noo kong tanong sa kanya na may halong pagkainis.

"Kaya! Ilang libong taon kaya akong hindi nakakain at sa tingin ko kulang pa nga yun eh" Napa-face palm naman ako. Ito na naman siya. Ang sarap batukan.

"Ito na po ang order niyo. Isang chicken tapos barbeque tapos crispy patata tapos burger with fries tapos ice cream tapos isang coke tapos sampung rice at isang tubig." Sabi ng isang babae tapos nilagay na niya lahat ng pagkain sa lamesa. Halata sa mukha ni Eros na gutom na gutom na talaga siya. Aish! Ininom ko na lang ang tubig ko. Pagkatapos ilagay ng babae ang mga pagkain ay agad itong kinain ni Eros. Kung makakain ang isang to mukhang hindi pa nakakakain sa buong buhay niya. Grabe!

"Dahan dahan lang baka mabulunan ka" sabi ko pero hindi niya ako pinansin at kumain lang siya ng kumain. Tssss Patay gutom.

"So pagkatapos dito saan ka na pupunta?" Biglang tanong ko. Agad naman siyang natigilan dahil doon.

"Ewan. Wala na akong mauuwian. Pero bahala na." Sabi niya sabay subo ulit. Tssss wala ba talaga siyang naaalala? Kahit address lang ng bahay niya?

Npabuntong hininga nalang ako.

"Doon ka muna sa bahay ko. Minsan lang umuwi si nanay at tatay doon kaya paniguradong hindi ka nila mapapansin. Pero ngayon lang to ah. Pagnakahanap ka na ng pera umalis ka na kaagad" Seryoso kong sabi. Napakunot lang ang noo niya pero kumakain pa din siya. Ang cute nga niyang tingnan eh. Pero aish!

"Bakit? Nasaan ba ang nanay at tatay mo?"

"Si nanay parating nandun sa kapitbahay nagsusugal. Si tatay naman palaging umiinom sa gilid ng kalye kasama ang mga kumpare niya. At kung minsan kapag nakauwi sila at makikita nila ang isat isa ay paniguradong mag-aaway sila o magsasakitan. Inuuna kasi nila ang bisyo nila kesa sa anak nila. Mga walang kwentang magulang" Inis kong sabi sa kanya. Ngayon ko lang napansin na tumigil na pala siya sa pagkain at nakatingin siya ngayon sakin.

"Alam mo bang hindi dapat sila ang nagkatuluyan? Kasi hindi nila mahal ang isat isa. Ang nanay mo ay dapat nakatuluyan niya ang unang mahal niya. Kilala mo ba ang sikat na businessman sa lugar niyo? Siya dapat ang nakatuluyan niya. At ang tatay mo naman ay dapat nakatuluyan niya ang kapatid ng iyong ina. Pero kasalanan ko lahat ng iyon. Nagkamali ako. Dapat ko sanang papanain ang auntie mo at ang tatay mo pero biglang sumulpot ang nanay mo at silang dalawa ang natamaan ko. At nagsisisi ako dahil doon" Malungkot na sabi niya. Okay na sana eh pero bakit umabot na naman kami sa pagiging Cupid niya?!

"At alam mo ba kung sino ang makakatuluyan mo?" Kunot noo niyang sabi sakin. Teka? Bat ako naman ang tinatanong niya niyan?

"Tingnan mo siya" Sabi niya sabay turo sa window. Nakita ko ang isang lalaking pababa sa sprots car niya. Teka? Kilala ko siya ah. Siya yung famous basketball player sa school namin. At naku babaero ang lalaking yan.

"Siya ang makakatuluyan mo. Pero ng makita ko ang mangyayari sa inyo ay naawa ako sa iyo. Marami siyang magiging kabit at masasaktan ka lang dahil doon" seryosong sabi niya. Hindi ko mapigilang mapatawa.

"I'm so sorry pero hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking yan. Like never" Hindi ko kaya type ang mga lalaking ganyan.

"Siguro yan ang sasabihin mo sa ngayon pero may gagawin siyang mabuti sa iyo dahilan para mahulog ka sa kanya" Sabi niya sabay subo ulit.

"Teka nga lang? Bakit naman ako maniniwala sayo? Sabi ko nga diba hindi ikaw si Cupid at tandaan mo iyon!?"

"Maniniwala ka din" pang-aasar niya. Naku!

"Sige nga kung ikaw si Cupid nasaan na ang bow at arrow mo? At nasaan ang powers mo?" Nag-isip muna siya.

"Sayang di ko maipapakita sayo ang kapangyarihan ko kasi naging mortal na ako" Tssss.. Reasons.com Kainis! Ang sabihin niya lang hindi siya si Cupid.

"Talaga? Eh bakit ka naging mortal?" panghahamon ko sa kanya kaya nabitawan niya ang spoon niya.

"Gusto mo talagang malaman?" Panghahamon niya din kaya tumango tango lang ako.

"Dahil nagmahal ako ng isang mortal"

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon