Chapter 8

3 0 0
                                    

Eros' POV

"Nandito na ako" Walang gana kong sabi.

Agad akong niyakap ni ina.

"Nagagalak akong makita ka anak" masaya niyang bati sakin. Pero nakatingin pa din ako sa nanlilisik niyang mga mata. Halatang galit na galit siya sakin.

"Batid kong galit si ama sa iyo" bulong sakin ni ina sabay alis sa pagkakayakap namin.

Alam kong galit siya.

Nakaupo siya ngayon sa trono niya habang bitbit ang lightning bolt niya.

"Eros" Malamig niyang sabi saakin. Boses pa lang nakakapanindig balahibo na. Pero hindi ako natatakot sa kanya.

"Alam mo ba ang ginawa mo?"

"Alam ko" matapang kong sabi sa kanya.

"Alam mo namang hindi pwedeng umibig ang isang diyos ng pag-ibig sa isang mortal. Lalo na sa isang mortal na bunga ng maling pagmamahalan." Seryoso niyang sabi saakin.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

Oo alam ko ang lahat ng iyon. Pero nagawa ko pa ding sawayin ang utos niya.

Alalang-alala ko pa ang nangyari sixteen years ago

Flashback

Napahikab nalang ako. Ang tagal naman atang umabot ng babaeng yun. Nakakaabala na siya sa schedule ko ah.

Ilang minuto din ang lumipas ng masilayan ko na ang babaeng hinihintay ko. Sa wakas!

Agad kong inihanda ang pana at palaso ko. Inuna kong tinira ang lalaking nasa tapat niya. Titirahin ko na sana ang babaeng hinihintay ko lang kanina ng may biglang sumingit na babae at siya ang natirahan ko.

Shoot!

Di pwede to!

Ilang araw na akong hindi nakakatulog dahil sa ginawa ko. Nagawa ko na ito noon pero bakit kinakabahan pa din ako?

"Eros, gustong kumausap si ama sayo" Nag-aalalang sabi ni ina.

Ito na nga ang kinakatakutan ko.

Dali dali akong pumunta sa trono ni Zeus at nakita ko nga siyang seryosong nakaupo doon.

"Pinatawag niyo daw po ako" Pilit kong tinatago na kinakabahan ako.

"Ngayon ka lang ulit nagkamali. Alam mo ba kung ano ang naging bunga sa kamalian mo?" Mariin na sabi niya saakin sabay bigay ng masasamang tingin.

Napabuntong hininga nalang ako.

"May nasilang na sanggol sa mundong ito. Hindi dapat siya nasilang sa mundong ito. Dahil sa kanya nasira ang plano natin."

Alam kong nasira lahat ang plano ng tadhana sa mga tao. Kapag kasi nagkamali ako, magkakasunod sunod na ito. Kapag namali ako sa pagtira ng dalawang tao, maaaring ang dapat nilang makatuluyan ay mapupunta sa maling tao. Para lang itong domino effect at wala na itong katapusan pa.

"Upang matigil ito dapat mo siyang patayin" Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya.

Biglan dumating si Hephaestus na may dala dalang itim na pana.

Bigla namang napakunot ang noo ko dahil doon.

"Ang pana na ito ang papatay sa sanggol na iyon" Seryosong sabi niya saakin.

Dahan dahan ko naman itong hinawakan. Para lang itong normal na mga pana ko pero dahil sa kulay nito ay batid kong kakaiba ito.

"Bakit ako ang kailangang pumatay sa kanya?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Ikaw ang nagsimula niyan kaya ikaw din dapat ang tumapos"

*****
Pumasok ako sa loob ng nursery room. Hinanap ko ang sinasabi ni Zeus na bata at nakita ko nga siya.

Nakahiga ito ngayon sa crib ng hospital at mahimbing na natutulog.
Hinanda ko na ang pana ko. Titirahin ko na sana siya ng bigla niyang buksan ang mga mata niya at tiningnan ako.

Bigla naman akong natigilan dahil doon.

Ang mga mata niya pamilyar

Biglang pumasok sa isip ko ang mga alaalang kasama ko si Psyche. Ang mapupungay niyang mga mata at ang matatamis niyang ngiti.

Agad kong nabitawan ang pana. Dahil doon ay umiyak ang sanggol.
Bakit naaalala ko sa kanya si Psyche?

Psyche....

Si Psyche ay isa ding bunga ng maling pagmamahalan. Dahil sa kamalian ko ay nabuhay si Psyche. At dahil din sakin nawala siya

Kung ipinaglaban ko lang sana ang pagmamahalan namin hindi sana siya nawala. Masaya sana kaming magkasama ngayon.

Pero posible kayang siya si Psyche? Sa hinabahaba ng panahong hindi ko siya nakasama posible kayang binalikan niya ako?

Kung ganun.

Agad kong kinuha ang pana at binali ko ito.

Binigyan ako ng tadhana ng pangalawang pagkakataon para baguhin ang storya namin ni Psyche.

At pinapangako kong aalagaan ko ng mabuti ang sanggol na ito kahit ano man ang mangyari sakin.

Kinuha ko ang isa sa mga pana ko. Napabuntong hininga muna ako baga tirahin ang sarili ko

*****
Isang malakas na kidlat ang bumungad saakin.

"Eros! Dahil sa ginawa mo mas lalong lumala ang sitwasyon!" Galit na sabi niya. Niyukom ko ang kamao ko.

Ni minsan hindi ko naisip na mali ang desisyon ko.

"Walang mali sa ginawa ko. Dapat bigyan ng pagkakataon ang sanggol na iyon na mabuhay sa mundong ito" Seryoso kong sabi sa kanya.

"Pinana mo ang sarili mo para umibig sa kanya. MALI IYON! At dahil sa ginawa mo paparusahan kita. Hindi mo siya pwedeng mahawakan kundi magiging isang mortal ka na habang buhay"

End of Flashback

"Pasalamat ka at nagmakaawa ang ina mo saakin na bigyan ka ng pangalawang pagkakataong ituwid ang kamalian mo. Kaya ngayon layuan mo na ang babaeng iyon" mala-awtoridad niyang sabi saakin.

"Kung si Psyche noon di ko kayang ipinaglaban, pwes ngayon ipaglalaban ko si Astrid kahit ano pa ang mangyari saakin" Sabi ko sa kanya sabay talikod.

Natulala naman si ina dahil sa desisyon ko. At halos lahat ng mga diyos at diyosa na nandito sa Mt. Olympus ay nakatingin sakin ngayon.

"Eros kapag hahakbang ka pa ng isang beses sa kinatatayuan mo, mawawala ka na sa kasaysayan ng Griyego"

Ipinikit ko ang mata ko at niyukom ang kamao ko. Bumuntong hininga muna ako sabay hakbang ulit.

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon