Magkita tayo sa Greek Museum 8:00 p.m
-Eros
Agad kong niligpit ang sulat. Grabe. Parang ayaw ko nang makita pa muli si Eros dahil sa nangyari kahapon.
Aish! Naaalala ko na naman!
Flashback
Nasa rose garden ako ngayon ng school at hinihintay si Eros. Sabi niya sakin kanina na magkita daw kami dito. Pero nasaan na siya?
"Astrid." Agad akong lumingon sa kanya at di ko mapigilang mapangiti.
Aish! Bakit ba ako ngumingiti?
"Nabibilang na ang oras ko at gusto kong sabihin sayo ang pinakahuling rason kung bakit kailangan kang mabuhay sa mundong ito"
Bigla niyang sabi kaya agad na kumunot ang noo ko. Ano ba ang sinasabi niya.
Lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Ang pinakahuling rason, ako.."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla niya akong hinalikan.
End of Flashback
Aish! Bakit ba ako nakangiti tuwing naaalala ko yun?
Nandito na ako ngayon sa Greek Museum. At may nakita akong isang lalaking nakatayo sa tapat ng estatwa ni Cupid.
Si Eros.
Lumingon siya sakin sabay ngiti.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Shyeeems lupa kainin mo na ako.
Lumapit ako sa kanya. Pero nakangiti pa din siya ngayon saakin.
"Masaya akong nandito ka" sabi niya sabay yakap sakin.
"Tandaan mo ito. An arrow can only be shot by pulling it backwards.When life is dragging you back with difficulties, it means its going to launch you into something great. So just focus and keep aiming. Pahalagahan mo ang buhay mo at wag mo itong sayangin. Tandaan mo problema lang yan. Malalagpasan mo din yan"
Seryoso niyang sabi sakin. Halata sa tono niya na pinipigilan niyang tumulo ang luha niya.
"Teka? Bakit mo ba yan sinasabi sakin?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Ipangako mo sakin na mabubuhay ka sa mundong ito ng masaya at matagal"
"Anong?!--- "
Mas hinigpitan niya ang yakap sakin kaya natigilan ako.
"Please. Mangako ka"
"O---Okay I promise" Pagkatapos kong sabihin yun ay bigla siyang napabuntong hininga.
"Pwede mo bang ipikit ang mga mata mo?" Ginawa ko ang sinabi niya.
"Iiwan na kita. Pero pangako babalik ako"
Biglang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Aalis? Teka lang.
Hinigpitan na niya ng todo ang yakap namin.
"Mahal kita. Paalam." Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.
Dali dali kong binuksan ang mga mata ko pero biglang nag-iba ang paligid.
Wala na ako sa Museum. Nakaupo na ako ngayon sa classroom at nagdi-discuss ang teacher namin ngayon.
Teka? Ano ba ang nangyayari?
Panaginip lang ba ang lahat ng yun?
"Ms. Reyes are you listening to me?" Biglang sabi ng prof namin kaya natigilan ako.
"I guess you're not listening to me. Then please answer this. Ano ba ang papel ni Eros sa Greek Mythology?"
Napatayo nalang ako.
Eros.
Biglang tumunog ang bell kaya napabuntong hininga nalang si prof.
"Swerte ka at naabutan ka ng time. Okay class dismissed" Pagkasabi agad nun ni prof ay dali dali kong kinuha ang bag ko at tumakbo papaalis sa school.
Pupunta ako sa Greek Museum. Baka nandoon pa si Eros.
Labin limang minuto din akong tumakbo papunta doon at pagkarating ko ay may nakita akong lalaking nakatayo sa harap ng estatwa ni Cupid. Nakasuot siya ng black beanie hat. Dali dali akong lumapit sa kanya.
Hinawakan ko ang braso niya. Dahan dahan siyang napalingon sakin pero bigla akong natigilan ng marealize ko na hindi pala siya si Eros.
"Miss may kailangan ka ba?" Agad akong napabitaw sa kanya.
Ano ba ang nangyayari sakin?
BINABASA MO ANG
Fallen (Short Story)
RomanceAn arrow can only be shot by pulling it backwards.When life is dragging you back with difficulties, it means its going to launch you into something great. So just focus and keep aiming. -Eros