Ang sikat ng araw ang agad na bumungad saakin.
Kalangitan? Teka bakit hindi kesame ang nakikita ko? Nasaan ba ako?!
Agad akong bumangon. Tumingin tingin ako sa paligid.
Nasa rooftop pa din ako!
Teka? Ano ba ang nangyari?
Agad kong nakita si Eros na natutulog pa din hanggang ngayon. Nakasandal siya ngayon sa wall at payapang natutulog.
Di ako makapaniwala. Nakatulog pala kami kagabi? Aish!
Agad na bumukas ang pinto at bumungad samin ang janitor ng school. Agad namang gumising si Eros dahil sa ingay.
"Ay sus maryusep! Bakit ba kayo nandiyan?" Gulat na tanong niya. Di ko naman mapigilang yakapin siya.
"Thank you po! Sa wakas makakauwi na ako!" Masigla kong sabi sa kanya sabay labas sa rooftop. Agad namang sumunod sakin si Eros.
*****
Ang lakas ng ulan. Paano ako makakauwi nito? Wala pa naman akong dalang payong.Aish! Ang malas ko naman. Hahayst.
Bumaba ako sa stairs. Walang katao tao ang hallway. Paniguradong nakauwi na silang lahat.
Lakad lang ako ng lakad ng bigla akong natigilan dahil sa narinig ko. May nagpapatugtog ng piano ngayon sa music room. Pero paniguradong nakauwi na ang lahat. Sino naman din kaya ang magpapatugtog ng piano sa ganitong oras?
Napatingin ako sa music room at bahagyang nakabukas ang pinto nito. At parang may nag-uudyok sakin na pumasok sa loob.
Binuksan ko ito at nakita ko ang isang piano sa gitna ng mini stage at tanging doon lang sa piano ang mayroong ilaw.
Di ko masyadong nakita ang mukha ng lalaking nagpiano kaya nilapitan ko pa siya.
Si Eros
Ngayon ko lang narealize na ang pinapatugtog niya pala ngayon ay Sunshine by Moira.
Grabe ang galing niyang magpiano. Ang gaang tingnan ng mga kamay niya tuwing pipindot siya ng key.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at dinama ang kanta.
Ilang minuto din ang lumipas ng matapos na niyang patugtugin ang kantang iyon..
Binuksan ko ang mga mata ko at muntik na akong himatayin sa nakita ko. Ang lapit lapit na sakin ni Eros at seryoso siyang nakatingin sakin ngayon.
Dug. Dug. Dug. Dug.
"A---anong ginagawa mo?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Pilit kong tinatago sa kanya na kinakabahan ako.
"Alam kong gusto mo ding magpatugtog ng piano." Agad namang nagliwanag ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Dahan dahan akong umupo sa tapat ng piano at magpapatugtog na sana ako ng biglang magsalita si Eros.
"Reason number 4, Piano"
BINABASA MO ANG
Fallen (Short Story)
RomanceAn arrow can only be shot by pulling it backwards.When life is dragging you back with difficulties, it means its going to launch you into something great. So just focus and keep aiming. -Eros