Agad kong sinara ang aklat ko at tumayo. Nasa library ako ngayon at nagbabasa.
Pumunta ako sa isang shelf at sinauli ang librong hawak hawak ko. Nag ikot ikot muna ako sa mga shelves upang hanapin ang hinahanap kong libro pero mukhang wala naman ata dito.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Nagulat naman ako dahil doon. Inis kong tiningnan ang nagsalita nun at nakita ko kaagad si Eros.
Nakatayo siya sa harapan ko ngayon. Nakasuot pa din siya sa kanyang black beanie hat at nakacolor blue na t-shirt siya na may katernong jeans. Simple pero bagay naman para sa kanya.
Dug.dug.dug.dug
"Paano mo nalaman?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Tiningnan niya muna ang libro.
"Astronomy. Alam kong gusto mo ang astronomy at pangarap mong maging isang astronaut. Hindi ba?"
"Bakit ang dami mo atang alam sakin? Sabihin mo nga stalker ba kita?" Napatawa nalang siya ng mahina dahil sa sinabi ko.
"Hindi naman sa stalker. Sadyang alam ko lang. Halata naman kasi sa itsura mo"
Nakakainis! Hindi naman ata nakikita sa mukha ang mga hilig mo hindi ba?
"Akin na nga yan" mataray kong sabi sa kanya pero itinago niya ito sabay ngiti sakin ng nakakaloko.
"Bago ko ito ibibigay sayo, punta muna tayo sa rooftop" I just rolled my eyes. Ano ba ang trip niya?
"Bakit naman ako pupunta doon? Malapit ng gumabi kaya wala na akong oras pumunta pa dun"
Pero hindi niya ako sinagot at hinila niya lang ako. Pilit kong kinukuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero di ko magawa. Malakas siya.
Nakaabot na kami sa stairs at doon ko lang narealize na papunta pala talaga kami sa rooftop. Seryoso pala siya kanina. Hahayst
Gusto ko pa naman sanang umuwi.
Nandito na kami ngayon sa rooftop at malamig na hangin ang agad na bumungad sa akin.
Ang dilim ng paligid. Doon ko lang napagtantong tapos na pala ang sunset. Parang kanina lang nagsunset tapos ngayon nakikita ko na ang mga bituin sa langit. Ang bilis pala ng takbo ng oras.
Binitawan na niya ako at umupo siya sa gilid ng rooftop.
Sinundan ko naman siya. Nakatingin siya ngayon sa kalangitan habang nakangiti.
"Hoy ba't nakangiti ka diyan?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Masaya lang ako. Kasi natupad na ang hiling ko" pangiti niyang sabi ng hindi ako tinitingnan.
Aish! Bakit mas lalo siyang gumagwapo tuwing ngumitngiti?
"Ano ba ang hiniling mo?" Agad na nawala ang ngiti niya dahil sa tanong ko.
"Ahhh--- alam mo ba ang istorya sa bituin na Cassiopeia?" Agad naman akong natigilan dahil doon. Of course alam ko yan. Yan lang ata ang storyang alam ko sa Greek Mythology.
"Oo alam ko. Si Cassiopeia ay isang reyna. Oo maganda siya pero kabaliktaran nun ang ugali niya. Sabi niya na mas maganda pa ang anak niyang si Andromeda kesa sa mga anak ni Poseidon na mga nereids. Kaya nagkaroon ng baha sa kaharian nila. At upang matigil na ito ay kailangang isakripisyo si Andromeda para sa kapakanan ng kaharian. Inialay siya kay Cetus. Pero kalaunan ay nailigtas siya ni Perseus at ikinagalit ito ni Cassiopeia. Bilang kaparusahan ni Cassiopeia ay itinali siya ni Poseidon sa isang upuan sa kalangitan."
"Matalino ka at paniguradong magiging maayos ang kinabukasan mo" Bigla niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Reason number 2, Astronomy."
BINABASA MO ANG
Fallen (Short Story)
RomanceAn arrow can only be shot by pulling it backwards.When life is dragging you back with difficulties, it means its going to launch you into something great. So just focus and keep aiming. -Eros