"Dahil nagmahal ako ng isang mortal"
Agad namang napakunot ang noo ko dahil doon. Mortal?
"Mortal? You mean Psyche right? Ang asawa mo?" Natigilan siya dahil sa tanong ko. Binigyan niya ako ng mapapit na ngiti.
"Minsan ang inaakala nating totoo ay hindi pala. Hindi ko asawa si Psyche at hindi din maganda ang wakas ng storya namin" Malungkot niyang sabi.
*kriiiiiing kriiiiing*
Agad kong kinuha ang phone ko at sinagot ito.
"Hello?" narinig ko agad ang hikbi ng aking kapatid.
"A--ate nasaan ka na?" naninginig niyang sabi kaya agad akong nag alala.
"Papauwi na ako. Bakit? Anong nangyari sayo?" Di mapakaling sabi ko.
"Si nanay.." agad kong binaba ang phone ko at dali daling tumayo.
Nabigla si Eros dahil doon. Dali dali din siyang tumayo.
"Anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong.
"Kailangan ko ng umuwi. Ang kapatid ko.."
"Ihahatid na kita"
Matapos kong bayaran ang binili namin ay umalis na kami sa karenderya. Maglalakad nalang siguro ako since malapit lang naman ang bahay namin dito.
"May tanong lang ako ha" Biglang sabi ni Eros kaya napakunot ang noo ko.
Diretso lang siyang nakatingin sa dinadaanan niya kaya kitang kita ko ang matangos niyang ilong.
"Ano yun?"
"Bakit gusto mo ng tapusin ang buhay mo?" Seryosong tanong niya kaya natigilan ako.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Bakit ko naman sasabihin sayo? Close ba tayo?" Pagmamataray ko sa kanya at maglalakad na sana ulit ako pero bigla siyang nagsalita.
"Alam kong wala ka ng iba pang mapagsabihan ng problema mo. Sabi nga nila madaling maglabas ng problema sa taong hindi mo kilala." Tama nga siya wala na akong ibang mapagsasabihan nito since wala naman akong kaibigan.
Nagsimula na ulit akong maglakad kaya sinundan niya ako.
"Buong buhay ko ang tanging nasaisip ko lang ay wala akong silbi sa mundong ito. Wala akong silbi sa pamilya ko. At wala din silang pake sakin. Palaging nagsusugal si nanay at si tatay naman palaging umiinom. Gusto ko na sanang tapusin ang buhay ko pero biglang dumating ang kapatid ko. Pero as time goes by nagkakalala na sina nanay at tatay. Palagi na silang nagsasakitan at minsan nadadamay na ako dahil sa kanila. Gusto ko ng takasan iyon kahit sandali lang, gusto ko ng magpahinga."
"But you have a lot of reasons to live. At ipapakita ko sa iyo ang lahat ng yun" Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya.
Huminto na ako sa paglalakad ng marealize ko na nasa tapat na pala ako ng bahay ko.
"Alam mo nag-aaksaya ka lang ng panahon" Pagkasabi ko kaagad nun ay biglang bumukas ang pinto ng bahay namin at bumungad saakin ang kapatid ko. Agad siyang tumakbo at niyakap ako.
"Ate nandito ka na!" Masiglang bati ng kapatid ko kaya hinimas ko ang kanyang ulo.
"Reason number one, ang kapatid mo."
BINABASA MO ANG
Fallen (Short Story)
RomanceAn arrow can only be shot by pulling it backwards.When life is dragging you back with difficulties, it means its going to launch you into something great. So just focus and keep aiming. -Eros