Astrid's POV
Aray! Tsk..
Agad kong hinawakan ang natusok kong daliri. Grabe ang hirap pa lang maggantsilyo. Nagga-gantsilyo ako ngayon ng isang black beanie hat. Sa gitna nito ay may nakaburdang maliit na kulay pula na bow and arrow.
Sa tuwing tinitingnan ko ito naaalala ko si Eros. Hanggang ngayon hindi ko pa din masabing totoo ba lahat ng nangyari noon o panaginip lang.
Simula nung nagising ako parati ko ng hinahanap si Eros.
Sa tuwing may nakikita akong black beanie hat siya ang naaalala ko. Parati akong pumupunta sa Greek Museum at nagbabakasakaling makita siya doon. Pero wala talaga.
Minsan nga iniisip kong baka panaginip lang talaga ang lahat ng iyon.
Agad kong niligpit ang mga gamit ko at tumayo na habang bitbit ang beanie hat.
Kung totoo man si Eros, ibibigay ko kaagad ito sa kanya. Kung nandito lang siya.
"Kung nandito ako..?" Agad akong natigilan dahil sa boses na yun.
Dahan dahan akong napalingon kung saan nanggaling ang boses na yun at di nga ako nagkamali
Si Eros
Nakatayo siya ngayon sa harapan ko habang nakasuot ng white robe na parang yung sinusuot ng mga greek gods and godesses sa movies.
Wala pa ding nagbabago sa kanya. Makapal pa din ang pilik mata niya, kulay asul pa din ang mga mata niya, matangos pa din ang ilong, mapupula pa din ang mga labi at maputi pa din siya.
Hindi ko mapigilang lapitan siya at yakapin. Grabe namiss ko din itong Eros na to.
Niyakap din niya ako pabalik at nanatili kaming ganun ng ilang minuto.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Gustuhin ko mang manatiling nakayakap sa kanya pero di pwede.
Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Napatingin naman siya sa black beanie hat na ginawa ko.Agad ko itong tinago dahil sa hiya. Myghad! Di ako magaling pagdating sa panggagantsilyo. Ang panget kaya ng gawa ko.
Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.
"Ginawa mo ba yan para sakin?" Pang-aasar niya kaya biglang nanginit ang pisngi ko.
"Hi--hindi ah" Itatago ko na sana ito sa bag ko ng bigla niya itong kinuha. Kukunin ko sana ito pero agad niyang hinawakan ang noo ko para di ko siya maabot.
Aish! Nakakainis!
Sinuri niya ng mabuti ang beanie hat at bahagyang napangiti.
"Bow and arrow? Ang cute" Pangiti niyang sabi sabay suot nito.
Wala naman akong nagawa kundi ang yumuko nalang. Pero agad niya akong inakbayan dahilan para mas lalong uminit ang pisngi ko.
"Maraming salamat at nag-effort ka talagang gawan ako ng beanie hat. Kaya dahil diyan ililibre kita" Masaya niyang sabi sabay lakad. At dahil nakaakbay siya ngayon sakin ay wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Di ko mapigilang titigan siya.
Kahit may pagkabaliw tong si Eros, masaya pa din ako kapag kasama ko siya. Siya ang nagbubuo ng araw ko. At dahil sa kanya gusto ko pang mabuhay ng matagal sa mundong ito.
Kaya maraming salamat Eros.
BINABASA MO ANG
Fallen (Short Story)
RomanceAn arrow can only be shot by pulling it backwards.When life is dragging you back with difficulties, it means its going to launch you into something great. So just focus and keep aiming. -Eros