Chapter 5

1 0 0
                                    

"Uuwi na ako" sabi ko sabay tayo. Pumunta ako sa pinto at pipihitin ko na sana ang doorknob kaso nakalock ito. Pinihit ko pa ng paulit ulit pero lock talaga.

Shoot! Di pwede to!

Agad kong nilingon si Eros pero nakatingin pa din siya sa kalangitan hanggang ngayon.

"Eros ni-lock mo ba ang pinto?" Kunot noo kong tanong. Dahan dahan siyang lumingon sakin at napakunot din ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong sabay lapit sakin. Pinihit niya ang doorknob pero wala talaga. Lock ito.

"I guess dito tayo magpapalipas ng gabi" mahinahon niyang sabi sabay lakad ulit papunta sa edge ng rooftop.

Anong?! Di pwede to! Kailangan ko ng umuwi! Nakakainis!

"Tulong! Tulong! Palabasin niyo kami dito!" Sigaw ko pero walang sumasagot.

"Mauubos lang ang boses mo kakasigaw" Hirit pa ni Eros kaya mas lalo akong nainis. Bakit ba hindi siya nagpa-panic? Hello? Baka di na kami makalabas pa dito!?

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

"Seriously?! Di ka ba magpapanic?" Kunot noo kong tanong sa kanya

"Alam mo bang isa sa mga paraan ko para mapalapit ang dalawang tao sa isa't isa ay kinukulong ko sila sa isang lugar. Halimbawa na-stock up sila sa elevator, na-lock sa isang room at iba pa. Hindi ako makapaniwalang mararanasan ko din pala ito" Seryoso niyang sabi.

Napatingin nalang ako sa kanya. Grabe bakit seryoso ang tono ng boses niya?

"Huh?"

Napabuntong hininga nalang siya sabay tingin sakin.

"Wala. Ang slow mo talaga" Sabi niya sabay iling.

Aish! Tinawag pa talaga niya akong slow ha? Nakakainis

"May nabasa akong storya tungkol sa dalawang magka-ibang tao pero nagawa pa din nilang mahalin ang isat isa" Sabi niya sabay tingin sakin. Ewan ko pero may nag-uudyok sakin na pakinggan ang tungkol sa storyang iyon.

Napangiti nalang siya at dahil dun lumabas ang dalawa niyang dimples.

"Bakit bigla kang naging-interesado sa sasabihin ko?" Tanong niya habang nakangisi sakin.

I just rolled my eyes.

"Ano ba ang nangyari sa storyang yun?"

"Tungkol siya sa pag-iibigan ng araw at buwan. Ang araw ay isang masigla at masayahing babae pero parating may kulang sa buhay niya. Hindi niya alam kung ano o sino. Ang buwan naman ay isang cold at tahimik na lalaki. Kahit na may kasama siyang mga bituin ay batid niya pa din na may kulang sa buhay niya. Hanggang isang araw nagkaroon ng Eclipse at dahil doon nagtagpo sila. Kahit sa sandaling iyon alam ng dalawa na biglang nabuo ang iniisip nilang kulang sa buhay nila. Pero dahil sandali lang ito ay natapos din ito. Simula noon pinipilit ng araw na hindi makatulog sa gabi at pinipilit naman ng buwan na gumising sa umaga. Pero hindi sila nagtagumpay. Pilit nilang hinahabol ang isat isa at tumagal pa ito ng ilang taon pero hindi na sila nagkita muli."

Teka? Bat parang pamilyar sakin ang storyang yan?

Unti unti kong tiningnan si Eros pero bigla siyang tumawa.

"Familiar ba?" Sabi niya habang pinipiglan ang pagtawa.

Ang storyang yan...

May bigla siyang kinuha sa pocket niya at nakita ko ang isang maliit na white notebook. Nakalagay doon ang title ng storyang iyon.

Eclipse

"Hoy! Saan mo yan nakuha?" inis kong tanong sa kanya.

Paano niya nakuha yan?

"Hiniram ko lang naman. Isasauli ko naman pagkatapos kong basahin. By the way nagustuhan ko ang storyang ginawa mo. Ipagpatuloy mo pa yan paniguradong magiging sikat ka na manunulat" sabi niya sabay lahad ng maliit na notebook ko. Dali dali ko itong kinuha at nilagay sa bulsa ko.

Walang nakakaalam na sumusulat ako sa storyang ito pero paano ito nalaman ni Eros? Aish!

"Reason number 3, writing."

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon