TWENTY THREE

94 3 1
                                        

Raven's pov .

Nabalitaan ko ang nangyari kay raffa . Mukang nagkakaproblema sila sa business nila ngayon at may sumasabutahe .

Sinubukan kong alamin kung sino ang may gawa pero kahit ang mga investigators ko walang makuhang impormasyon . ! Asyadong maganda ang plano at siniguradong walang makukuhang lead .

Tinawagan ko si franc at sinabi niyang ligtas na si raffa pero ang second baby ay wala na . Nakunan si raffa dahil sa tama nang bala sakanya . Hinihintay nalang na makauwi sila dito sa pinas .

Nakakalungkot dahil ganito ang nangyare . Sinubukan daw ni raffa na harangin ang bala kay angelo . Ganun niya kamahal ang asawa niya , kahit siya mag sasakripisyon wag lang masaktan .

Gusto ko sila tulungan kaya naman nag volunteer ako na ipahiram ang private plane ko sakanila . Dumating agad ang eroplano ko nang lihim at hindi naman iyon tinaggihan ni angelo . Alam kase nang killer ang bawat galaw ni angelo at ang bawat schedule . Malamang inside job ang kaso na to at may traydor sa mga empleyado niya .

Sinubukan ko siyang kausapin pero tanging pasasalamat lang ang sinusukli niya sakin .

Meron lang isang bagay ang sinabi niya sakin bago ko ibaba ang video call . Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya kaya naman lalo akong naging desperado na tulungan sila .

Alam ko na pag may nangyare sakanyang masama hindi yun kakayanin ni raffa . Palihim akong tumutulong sa imbestigasyon nang kaso nila . Sa ganiyong paraan kahit napatawad na ako ni raffa matulungan ko manlang siya .

Pinadala ko ang private assistant ko sa newyprk para siya mismo ang kumilos . Hindi ako kilala nang killer sigurado ako dun .

Ngayon ang dating nila raffa sa pilipinas . Lumapit saakin si angelo na kung pwede daw ay ako ang bumili nang bahay para sakanila dahil kung tama ang hinala namin kilala siya nung gumagawa . May binanggit siya na isang tao na siyang nag lead saakin para maumpisahan nang assistant ko ang imbestigasyon niya .

Commataus si raffa at si arkei naman ay kasama namin ngayon ni angelo .

" siya lang ang tanging may dahilan para gawin to . Dahil binawi ko sakanya yung bahay at kotse na iniwan ko sakanya dito sa pilipinas 6years ago " yung ex niya . Pero bakit naman niya yun gagawin .

" bakit naman niya yun gagawin ? At sa mga nagawa niya , hindi kaya nang isang tao lang ito . Siguradong may kasabwat siya na alam ang bawat galaw mo " tumungo siya at nagisip .

Si arkei ngayon ay kalaro ni reztie . Magkasundo ang dalawang bata . Nakakatuwa na kahit hindi kame nagkatuluyan ni raffa ay natutulungan ko siya . Siguro talagang totoo ang pag mamahal n0ko sakanya kase kahit si angelo ang kaharap ko nakikita ko sakanya ang kabutihan ni raffa .

" my two bodyguard are dead . Yung apat naman ay kasalukuyan na binabantayan si raffa . Wala sa mga body guards ko ang gagawa nun saakin dahil araw at gabi ko silang kasama halos hindi nga sila lumalayo saakin kahit sa bahay kasama ko sila . Ang mga tao lang na malalapit saakin ay si brent ang assistant ko , si george ang Vice nang company si luis ang bestfriemd ko and yung secretary ko na si lina pero hindi naman nila gagawin sakin yun " nag tataka lang ako , syempre pano niya nasasabi na hindi gagawin sakanya ? Lahat nang tao na nandun at malalapit sakanya ay pwedeng magtangka .

" have you checked their background ?" Para makasigurado .

" yes . Nung kinuha ko sila , and yung VP namin is my cousin. Si brent is my assistant since I was in my last year in college si lina naman nag apply siya sakin as secretary pag tapos nang kasal namin ni jei " so hindi na niya tinatawag na raffa si raffa , baka yun din yung gusto ni raffa .

My CRAZY love :*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon