TWENTY TWO

133 3 0
                                    

Raffa's pov .

(After 9 months )

Naging maayos ang lahat saamin ni raven after nung engagement party namin ni angelo . Inamin ko lahat sakanya . Lahat nang napag usapan namin ni raven . Ayoko mag sinungaling sakanya at ayun na nga , tinanong ko siya kung gusto niya parin ako pakasalan sa kabila nang lahat nang masasakit na nagyare .

Ngayon ay nandito ako sa hospital dito parin sa newyork . Nandito ang nanay at tatay ko kasama si ate at franc at ang pamangkin kong si requisha freyn saragoza . Oo , naikasal na si ate at franc . Masaya ako para sakanya .

Naka admit na ako dito at hinihintay nalang ang pag hilab nang tyan ko .

Duedate ko ngayong araw at kinakabahan ako .

Kung hindi ko pa nasabi , buntis ako at manganganak na ako ngayong araw . Sabi nila ove due na daw ako pero sabi din naman nila nanay at tatay kadalasan daw sobra o kulang nang 2 linggo ang paglabas nang bata base sa expected date . Kagabe kase habang natutulog ako biglang humilab ang tyan ko kaya nataranta silang lahat at dinala ako sa hospital . Swerte narin at 4cm na daw ako , kaya hinihintay nalang .

Nilagyan ako nang swero at sinabihan ako nang doctor na mag
Lakad-lakad nalang muna para mabilis na lumabas ang baby .

" o mag iingat ka kase nanay , baka naman dimo mapansin na nasalapag na yang anak ko " grabe talaga . Parang mas kinakabahan pa siya sakin .

" ano ka ba naman tatay, kaya ko pa nga mag marathon eh , wag ka nga dyan at masyado kang kabado " nginutian niya ako at agad na hinimas ang tiyan ko .

" anak , wag mo pahirapan ang nanay mo ah . Lumabas kana agad diyan at mag lalaro na tayo nang basket ball " basketball agad ? Hihi

" diba nga hindi pa natin alam ang gender dahil ikaw pa nag sabi mismo kay doc na wag na muna sabihin ang gender para surprise " tuloy ang himas niya sa tyan ko at kinakausap ang anak niya na maya maya lang ay lalabas na .

" oh . Ayan sumisipa na ang anak mo , wag ka daw excited lalabas din siya mamaya . Ito talaga " pinisil ko ang ilong niya at binuhat ako .

" huy ano ba , ibaba mo nga ako angelo " si angelo ang ama nang anak ko . 4 days na pala akong buntis nung nagkita kame ni raven . Kaya pala nung engagement party eh nag susuka at nahihilo ako kase buntis na pala ako .

Nung malaman namin na buntis ako nag pa check up ako agad . Akala pa nga ni angelo anak ni raven yung dinadala ko pero si raven kinausap niya si franc tungkol dito at inamin ni ravrn na hi di niya ako ginalaw . Nakonsensya daw siya kaya yung balak niya na may magyare samin hindi niya ginawa . Dumaan kame ni angelo sa estado na nagka problema . Hindi naging perpekto ang pagsasama namin nang isang bwan . Lagi kame nag aaway at lagi siyang lasing dahil sa pag aakala na kay raven amg dinadala ko . Pero nang malaman niya kay franc ang totoo agad siyang umuwi sa condo para mag sorry . Alam ko , kahit sino ay ganun ang gagawin pero pinatunayan niya saakin na mahal niya ako . Na kahit anong mangyare hindi niya ako isusuko .

" gusto mo nay sundutin na natin yan para lumabas na ?" Nanlaki ang mata ko at natawa naman siya .

" aba , loko ka ah . Anung sundutin . Baka pag labas nang anak mo mag reklamo siya na panay panay ka sa loob . Nako ikaw rin kung lalaki yan mag mamana yan sayo " siya naman ang sumimangot ngayon .

" aba, tinutulungan na nga siya lumabas eh , haha . Kung mag mamana man siya sakin aba, edi gwapo siya at matalino rin " ang yabang din talaga nito .

Ibababa na sana niya ako nang biglang humilab ang tyan ko .

" a-araaay . Tay manga-nganak n-na y-ataa a-akk a-aahhhh !"

My CRAZY love :*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon