THIRTEEN

90 4 0
                                        

Raffa's pov

Pinauwi kame ni nanay at tatay dahil may emergency daw .
Si lolaNanay kase yung mommy ni nanay inatake daw sa puso at nasa hospital sa new Jersey kaya kailangan nila pumunta dun .bgusto sana namin ni ate sumama pero may klase pa kame at hindi pa nakakapag sabi si nanay sa dean nang school .
So nag decide kame na maiwan na dito at nextweek na kame pupunta sa new Jersey para bisitahin si lolananay . Gusto lang daw muna nila malaman ang condition ni lola .

Saktong nag iimpake si nanay at tatay nang pumasok kame ni ate sa kwarto nila . Mamayang 5 am ang flight nila papuntang jersey at nag bibilin sila na sandali lang daw sila . Habang nag uusap-usap kame may tumawag sa cellphone ni ate at nakangiti pa siyang lumabas nang kwarto .

Ang diko lang inaasahan ay nung bumalik siya na parang takot at nag aalala namumutla ang kanyang mukha . Nakatingin siya saakin bago tumingin kay nanay at tatay .

Tumayo naman ang nanay at nilapitan agad si ate .

" oh ate , bakit namumutla ka ? Ano nangyare sayo sino yung kausap mo ?" Nanay na nagsimula narin mag alala .

Nakatingin lang siya saakin at hindi nag sasalita . Nakaramdam ako nang takot at sobrang kaba , parang naginig yung buong katawan ko hindi ko alam kung bakit .

" b-bunso . " sabi niya . Dun palang alam ko nang hindj magamda ang sasabihin niya . Sino ba yung tumawag .

" b-ba-baket ate ?" Biglang bumilis ang tibok nang puso ko at kinabahan na ko nang todo na halos hindi ako makahinga .

" k-kase kausap ko si f-franc " franc ?? Bakit ?? Ano nagyare kay franc ??

" ano meron ?" Diretsong tanong ko sakanya . Nakatingin ako sa mata niya at alam kong meron siyang hindi masabi sakin . Sigurado ako tungkol yun kay rave .

" ano nagyare ?" Tanong ko ulit . Ayoko isipin na may hindi magandang nangyare kay raven .

" s-si raven " mabilis ang pagkabigkas niya sa pangalan ni raven. Hindi ko namalayan na may luha nang pumatak sa mga pisngi ko at parang nanghina ang buong katawan ko .

Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko sa kinauupuan ko nag hihintay nang susunod niyang sasabihin .

Sinalo naman ako agad ni tatay  at lumapit saakin si ate , kumuha naman nang tubig si nanay at iniabot saakin . Pilit akong pinainom ni tatay nang tubig at pinakalma .

" anak ano ba nangyare kay raven ?" Tanong ni tatay , na kahit ako nag hihintay nang sagot galing kay ate .

" N-nasa Hospital si raven bunso . H-heart a-attack ! Complicated " lalo akong nanghina at this time nahirapan na talaga ako huminga . Parang may nag wawalang luha sa mata ko pero ayaw lumabas . Ano nangyare ? May sakit siya sa puso ? Hindi niya sinabe ??

Pilit akong tumatayo , gusto ko siyang puntahan . Gusto ko siyang kausapin . Bakit hindi niya sinabi sakin ??

Pinigilan ako ni nanay at tatay na tumayo .

" nay , tay . P-pupunta p-po ako . A-ate s-saan daw h-hos-pital siya ?" Garalgal pa ang pagkakasabi ko at halos wala nang boses na lumalabas sakin .

" b-bunso , paalis na sila papunta nang US ." Lalong nanikip ang dibdib ko . US ? Anong gagawin nila dun ? Bakit dun ?

" b-bakit daw ? Kailangan ko siya p-puntahan ate , k-kailangan ako dun ni raven " tuloy-tuloy ang patak nang luha ko . Iiwan niya ko ?? Hindi na siya nag sabi na may sakit siya tapos ngayon iiwan niya ko ??

Nag send nang picture si franc kay ate . Si raven nakahiga sa hospital bed walang malay at may tubo sa bibig at sa dibdib .

Halatang nasasaktan si raven kahit wala siyang malay at parang sobrang bagsak ang katawan niya .

My CRAZY love :*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon