Sixteen

88 2 0
                                    

After 2 years .

Raven's pov

First day of class sa university namin . Ako na ang nag mamanage nang school at nang kumpanya .

Bumalik ako sa pilipinas sa pag aakala na nandito si raffa pero wala .

Gusto ko sana mag sorry sakanya at Balikan siya .
After nang nangyare sa US , Narealize ko na mahal ko pa talaga si raffa , na kahit napalitan ang puso ko siya parin talaga .

Alam ko nag kamali ako . Sobrang laking pagkakamali pero ano magagawa ko . Iniwan na niya ko !

2 bwan pa ako nag stay sa US pagtapos nang nagyare samin ni Cristal .

Pilit na nakikipag balikan sakin si cristal pero talagang hindi ko na siya mahal .

Pumunta ako sa bahay nila raffa pero wala nang tao . Ang sabi naibenta na daw yung bahay at hindi alam kung saan lumipat ,

Si Owie naman lumipat narin nang school pag dating nung second sem , ang alam ko nga sa lasalle daw , hinanap ko siya pero hindi ko talaga makita .

Si franc naman sa grand parents ko na nakatira . Sabi niya hindi ko na daw siya kailangan kase magaling na ako , hiniling niya kay mommy na kila grand ma na mag stay . Kahit ayaw ni mommy ay pinayagan narin niya si franc .

Nag shift din si franc nang course at nag doctor nalang siya . Kaya ko naman daw na mag manage nang kumpanya , yung gusto naman daw niya ang susundin niya .

Tinanong ko narin ang barkada at ang mga kaibigan ni raffa pero kahit sila hindi nila alam .

Nag de activate nang accounts sa social media si raffa at hanggang ngayon , pilit ko parin siyang hinahanap .

Nag hire pa ko nang private investigators para hanapin sila pero dahil alam ko naman na napaka laking tao nang mga magulang niya kaya lahat nang information naharang na .

Gustuhin ko man harapin ang nanay at tatay niya pero nahihiya ako sa ginawa ko . Wala na kong mukhang maihaharap sakanila.

Gusto ko lang sana kahit sa huling pagkakataon makausap ko siya . Or makahingi nang tawad . Balikan man niya ako o hindi atleast nagawa ko ang satingin kong tama .

Nandito ako sa bar , like the old times . Balik sa dating gawi , malaya, party hard , gulo , gastos pero walang babae . Kung meron man malamang one night stand lang .

Kasama ko ang barkada at si franc . Bihira nalang kame magkasama sama nang mga to dahil bukod sa may kanya kanya na silang trabaho , gumagawa narin sila nang sarili nilang buhay .

Katulad nalang ni Weid . Ikakasal na sila ni dean next month .
Si morgan naman ayun , balak nadin mag propose kay Gail.

Si hanz ? Sila parin naman ni keri ang nag katuluyan nag merge na nga ang company nila eh .

Yung pangarap namin ni raffa , sila na ang gumagawa ngayon .

Si RJ at Mae , ayun may baby na sila pero hindi pa kinakasal ayaw daw ni mae kase bata paraw siya . Mukang may balak pa hiwalayan si rj kaya ayun problemado ang gago .

Si franc , may dinedate daw siya ngayon . Pero alam ko si owie parin yun . Ayaw nalang din siguro ni owie magpakita sakin . Alam ko naman na nasaktan ko kapatid niya tatanggapin ko naman kung magalit siya sakin o kahit saktan niya ko pero sana sabihin niya naman sakin na okay si raffa . Dun manlang mapanatag ang luob ko .

" pare , narinig mo na ba ang news ?" Sabi sakin ni weid .

Nakinig lang ako pero hindi ko siya pinansin . Ininom ko ang alak na nasa baso ko at nagsalin ulit .

My CRAZY love :*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon