Melody
"I want to kill them! I want to kill them! I want to kill them! I want to kill them! I want to kill them! I want to kill them! I want to kill them! I want to kill them! I want to kill them! I want to kill them! I want to kill them! I want to kill them!" Paulit-ulit na sinasabi ng babaeng kakarating lamang. Umupo rin siya sa tabi namin dito sa maliit na shed. May kahinaan ang kanyang boses ngunit rinig na rinig namin ang bawat pagbigkas niya. Mabilis ito at paulit-ulit.
Nakakatakot itong pakinggan. Nangungugat ang kanyang leeg. Ang mga mata niya'y puno ng galit. Ang mga kamay naman niya'y nakasabunot sa kanyang buhok.
Hindi ko maiwasang kilabutan sa pinaggagawa siya sa kanyang sarili. Halos papasok na ang mga kuko niya sa kanyang banga at ang kanyang buhok nama'y gulong-gulo na.
Nanatili kaming nakaupo habang pinagmamasdan siya. Mas hinigpitan pa ni Paige ang pagkakahawak sa kamay ko. Palatandaan na natatakot siya sa babaeng kasama namin. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa palagay ko'y wala siya sa tamang pag-iisip. Paulit-ulit lang ang mga sinasabi niya at ang boses niya'y napapalitan na ng mas malalim at nakakapangilabot.
Tatayo na sana kami nang bigla itong tumigil na siyang ikinatigil din namin.
"I'm sorry. You've just witnessed my other side." Mula sa kanyang nakakapangilabot na boses ay napalitan ito nang malambing at malambot na boses.
"H-Hah?" Natauhan kami dahil sa nasaksihan namin. She's very different a while ago and then... The mood switched very fast.
"Yes, yes! Call me what you want! I just want to avenge my sister!" May halong pagka-inis ang tono ng pananalita niya. Pero iba pa rin ito sa narinig namin kanina.
Naguguluhan ako. Kanina, nakakatakot at nag-iba ito. Naging malambing at ngayon nama'y suplada. Siguro nga may problema sa utak 'to. Nakakaawa.
"Kapatid mo pala siya... I'm sorry for your loss." May halong pagkalungkot ang boses ko.
"It's okay! I already avenged her!"
"Y-You... What?" Hindi ko mawari ang sinasabi niya.
"That's right. Because of my second wish, nadakip na ang pumatay sa kanya!" Gayak niyang tugon na may malaking ngiti. Ibang-iba talaga kaysa kanina. Weird.
"K-Kung... Nadakip na... B-Bakit mo... Sinasabing... G-Gusto... Mo... S-Silang... Patayin?" Tanong ni Paige na pinagpapawisan at halatang takot pa rin siya sa kausap naming babae.
"Oh, kanina? Kasi nalaman ko na hindi lang pala siya ang may gawa no'n. Sayang nga singular lang sinabi ko sa wish ko kaya siya lang ang nadakip." Pasimple sabi lang niya na wala man lang bakas na kalungkutan. "That's why I'll hunt them one by one and torture them." At lumabas na naman ang nakakapangilabot niyang boses. Tumawa siya nang malakas at nakakapanindig balahibo.
Aalis na sana kami nang biglaan itong tumigil sa pagtawa at... "I'm Lissandra by the way! Nice to meet you!" Her mood changes so fast, and it's creeping me out. From dark and creepy Lissandra to light-hearted and cheerful Lissandra.
"W-We have to go, baka malelate na kami sa first period." Pagpapalusot ko. Dahil hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon. We're approached by a creepy crazy girl.
"Teka lang! Mag-usap muna tayo mga ate! Kakarating ko nga lang dito e!" Pagrereklamo niya.
"Pasensya na talaga. Kailangan na naming umalis." At hinila ko si Paige palayo.
"'Di mo ba gustong malaman ang mga sikretong nakapalibot sa bulaklak na 'to?" Nag-iba na naman ito. Naging mapang-asar ang tono.
Tumigil kami ni Paige at lumingon sa kanya. Nakita kong nakaupo pa rin siya at iwinawagayway ang hawak-hawak niyang bulaklak.
BINABASA MO ANG
Wish Upon The Petals
Fantasy"Together we wish, together we'll reach it." Eight girls. Eight wishes. Eight darkest secrets. Together they'll wish different wishes the same day that can turn their lives upside down.