Melody
From now on, the world is filled with fantasies. Saan ka man mapunta lahat may pagbabago. Pagbabago ng mga hayop, halaman at ang teknolohiya. Simula ngayon, hindi na magiging boring pa ang mundo.
August 3, 2018. Friday.
Naglalakad ako papunta sa school habang tinitingnan ang kapaligiran. The trees. Not only pink trees, may iba't-ibang kulay pa ang ilan sa mga ito. Ang mga ibon, naging mas makulay pa at ang iba nama'y may apat na pakpak. May nakita rin akong pusa kanina sa may tindahan na may pakpak. There are some changes na parang weird but it's fine as long as this world isn't boring.
"Mels!" Tawag ni Rafe.
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siyang papatakbo papunta sa kinatatayuan.
"Good morning Rafe." Bati ko sa kanya.
"Wow! Sinunod mo ba payo ko at bumili ka na talaga ng vitamins?" Biro nito at napatawa. Siniko ko naman siya at nakitawa na rin sa kanya.
"Loko ka!"
"Rare ang mga lokong kaibigan these days so you should be thankful!"
"Malaki ang ipinagbago ng lugar 'no? Mas naging maganda na ang kalikasan." Pag-iiba ko ng topic.
"Palagi namang maganda ang mundo Mels. Bakit? Ngayon mo lang ba na appreciate?"
Hindi ko na siya sinagot at tiningnan ko lang siya sa mga mata niya habang nakakunot ang noo. Nakakapagtaka.
-
Narating din namin ang paaralan na ngayo'y mas maganda na kaysa kahapon na parang haunted school. Now, it's so bright and colorful. Ang gate may mga bulaklak na tumubo, sa pathway naman makukulay na bato at mga bricks, may ilan pang pathways na natatabunan ng mga pink leaves galing sa mga punong kahoy. May mga nagliliparan ding mga kung ano-anong makukulay na nilalang. May mga butterflies... No, pixies na lumilipad at palipat-lipat sa mga bulaklak.
Nasa second year building na ako nang mapansin ko si Cerisse na naglalakad sa hallway na may mga nakasunod na mga kaklase namin at ang iba ay hindi ko kilala. Mas naging sikat na siya simula kahapon. Halos lahat ng mga nadadaanan niya ay babati talaga. Even me.
Pumasok ako sa classroom at bumungad sa akin ang musikang pinatugtog at ang mga daldalan ng bawat isa. Hindi pamilyar ang kanta pero ang ibang kaklase ko'y nakikisabay pa. May naririnig din akong mga pag-uusap na tungkol sa isang libro na kinagigiliwan nila. Marami silang nag-uusap at sa tingin ko'y sobrang saya nila.
Narating ko ang aking desk at umupo. Napansin ko si Paige na taimtim na nakaupo lang sa kanyang silya na parang may ginagawa. Na curious ako kung ano ito kaya napatingin ako rito. Nagbabasa siya ng libro.
"Melody nabasa mo na ba 'to? Halos lahat ng mga kaklase natin nagbabasa ne 'to! Ang iba nga natapos na nila!" Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat nang bumungad sa 'kin ang vice president na may bitbit na libro.
"Uhm... Hindi pa. Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Oh, you should read this! Worth it basahin Mel promise! Natapos ko 'to kagabi pero hanggang ngayon hindi pa ako naka move sa sobrang ganda ng story waaahhhh!" Napakabilis niyang magsalita at napakalakas ng boses niya. Tuwang-tuwa pa siyang ikinuwento sa 'kin ang ibang detalye. Pero hindi naman siya nabigo sa pag kumbinsi sa 'kin dahil parang interesado rin akong magbasa according sa narinig kong mga detalye galing sa kanya.
Sabi niya ang may akda raw nito ay baguhan pa lang at kaagad sumikat. Sinabi niya ring kaedad lang daw namin ang may akda kaya parang na iinspire rin daw siyang magsulat.

BINABASA MO ANG
Wish Upon The Petals
Fantasi"Together we wish, together we'll reach it." Eight girls. Eight wishes. Eight darkest secrets. Together they'll wish different wishes the same day that can turn their lives upside down.