Melody
"I see. Just what I expected. They're terrorizing those pathetic former holders." Wika ng presidente ng Supernatural club na nagpakilalang Ashlynn Billiones.
"My sister's not pathetic." Lissandra's cold voice.
"Oh, sorry dear. She was my former classmate and now... I just can't believe it happened to her." She said with a sympathetic tone.
"Just go straight to the point already!" Once again. She became hostile.
"Oh? I never expected this. Your sister's a fine lady yet you have this... Creepy attitude." Ashlynn.
"Yeah, whatever!"
"So, what now?" Tanong nito habang pinapaikot ang hinahawakang bulaklak sa kanyang kamay.
"Gusto po naming malaman kung may kilala ka pa po bang mga katulad nating holders. Kailangan nilang malaman ang sitwasyon." Sagot ko sa kanya na nakatayo pa rin sa kanyang harapan.
Nakadekwatro siya habang pinagmamasdan lang ang kanyang hawak-hawak na bulaklak.
"I do know some people like us." Magabagal siyang nagsalita. Parang nabuhayan ako ng dugo nang marinig siya.
"But it's not for free. You have to pay the price." Dagdag pa niya.
"What price?" tanong ni Lissandra.
"Hmmmmm... Let's just say na may ipapagawa lang akong maliit na trabaho sa inyo. Like... Humiliating someone or prank a teacher."
"Eh? Parang hindi naman ata maganda 'yon." Tutol ko.
"Hmm, It's fine if you don't like my offer. Tapos ang usapan."
"We'll do it." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lissandra.
"Lisa, w-what? Seryoso ka?" Tanong ko sa kanya na may halong pagkagulat.
"Yes. I'll do what it takes to avenge my sister." Her tone is starting to creep me out. Puno ng galit.
"We're not here to find the culprit Lisa, we're here to warn those holders!" Wika naman ni Paige na kanina pa nananahimik.
"Kung malalaman natin kung sino pa ang ibang mga holders, may tsansang alam din nila ang mga nangyayari at isa pa, baka alam din nila kung sino ang may pakana ng mga patayan." Paliwanag ni Lisa na may seryo8song mukha.
Nagdadalawang-isip pa rin ako kung mapagkakatiwalaan ba si Lisa at pati na rin 'yang si Ashlynn.
"We're sorry for the interruption. But we can't accept your offer." Wika ko sabay hila kay Lissandra palabas sa pulang silid. Nagtinginan naman ang ilang mga lalaki na nakatambay sa clubroom nila habang naglalakad kami palabas.
Sinenyasan ko lang ang lalaking nagngangalang Harris na aalis na kami at tumango naman ito.
Nang makalabas na kami ay umalis si Lissandra sa pagkakahawak ko at lumayo ng konti sa 'kin.
Pansin kong nainis siya sa inasta ko kanina lang. Pero hindi maganda ang offer ng babaeng 'yon. She's toying with us.
Nagpumiglas si Lisa sa pagkakahawak ko at nabitawan ko ang braso niya.
"Kung ayaw niyo edi ako na lang mag-isa ang gagawa!" sigaw niya at tumakbo pababa ng building. Hindi na namin siya pinigilan ni Paige at napagpasyahan naming umuwi na lang.
--
Naglakad akong mag-isa palabas ng gate. Niyaya ko si Paige na sumabay pero may pupuntahan pa raw siya at si Rafe nama'y hindi ko nakita simula kanina. Siguro umuwi 'yon nang maaga.

BINABASA MO ANG
Wish Upon The Petals
Fantasy"Together we wish, together we'll reach it." Eight girls. Eight wishes. Eight darkest secrets. Together they'll wish different wishes the same day that can turn their lives upside down.