Briar
"Don't you have any friends here at school Briar?" Pagtatatanong ng aming homeroom teacher. Sa ngayon ay kami lang dalawa ang nandito sa opisina niya. Ipinatawag niya ako dahil sa isang maliit na rason lang. Ang pagiging mapag-isa ko raw. She's concerned about me not having any friends in class. My classmates are friendly creatures but I don't need friends here at school. Because I only have one bestfriend. Someone who really knows me. Someone I can count on. Someone who spends more time with me. Someone who really cares for me.
"No ma'am." Pasimpleng sagot ko lang.
She let out a deep sigh. "Miss Tamera, some teachers provide group activities. How will you approach your classmates if have no friends? Isn't it hard for you?" Tanong niya. Alam kong nag-aalala lang siya sa 'kin dahil nga, I'm an outcast. Pero wala siyang dapat ipag-aalala sa 'kin. I'm totally fine with it. Although, may kaibigan naman akong naghihintay pag-uwi ko.
"I have no choice ma'am but to talk to them. That's all." Sagot ko na may malaking ngiti. She showed a sign of relief.
"That's good." Napangiti siya.
"But that doesn't mean that I'm their friend. Gagawin ko lang kung ano ang maitutulong ko sa grupo. For the sake of my learnings and for my grades." I said.
Hindi na nakasagot si ma'am sa sinabi ko kaya nagpaalam na ako sa kanya para bumalik sa classroom. Since nasa 4th floor ang opisina ni ma'am at nasa 1st floor ang classroom namin. Marami akong nadadaanan na mga estudyante.
Nang makaabot ako sa third floor ay napansin ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan malapit sa hagdanan. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaka-abalahan nila kaya dumiretso na ako pababa.
"Nana, magpapahula ako!"
"Ako rin! Nana!" natigil ako nang marinig kong binanggit niya ang pangalang iyon. Lumapit ako sa kanila na walang nakakapansin. Sumilip ako, hindi ko masyadong makita kung sino 'yung sinasabi nilang Nana dahil may kaliitan ako.
Sinikap kong makasilip sa kung saan para lang makita at sa wakas ay nakita ko rin. Hindi ko maisip na 1st year din pala siya kahit na biniyayaan siya ng magandang height. Pula ang kanyang mahabang buhok at may maputing kutis. At ang ikinagulat ko ay pamilyar ang kanyang mukha. Hindi ko mawari. Parang nakita ko na siya noon.
Pinagmasdan ko lang sila habang hinuhulaan ang isa sa mga estudyante. Nasisiyahan sila sa nasasaksihan nila. May narinig din akong nag-uusap sa tabi ko na nagkakatotoo raw ang mga hula niya. Kaya pala maraming lumalapit sa kanya para magpahula. At hindi rin daw ito nagpapabayad.
Nakatitig lang ako sa kanya habang abala siya sa panghuhula niya. I can't recall. Nakita ko na siya noon. I'm pretty sure.
Napatingin siya sa direksyon ko kaya agad naman akong umiwas. Nakakahiya.
Umalis na lang ako at bumalik na sa classroom.
During class I was spacing out. Hindi ako mapakali. Pagkatapos kasi ng klase bibili ako ng regalo. Regalo ko para espesyal na kaibigan.
"Briar? Si Lissandra nakita mo?" Pagtatanong ng isa naming kaklase na kakarating lang. I think she's late. Super late. Recess na ngayon at kakarating lang niya.
"Nope. Absent siya." sagot ko lang. She asked me because Lissandra's my seatmate. Nasa first row kami kasi nga sa height namin na hindi kataasan.
"Okay. Hmm I hope she's okay."
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko out of curiosity.
BINABASA MO ANG
Wish Upon The Petals
Fantasy"Together we wish, together we'll reach it." Eight girls. Eight wishes. Eight darkest secrets. Together they'll wish different wishes the same day that can turn their lives upside down.