Petal: 8

5 0 0
                                        

Melody

"Uh... Sa naaalala ko, wala akong sinabi kay Lissandra na patayin ang classmate mong famous. I guess her brain's crumpled like this paper." Pagpapaliwanag ni Ashlynn na hawak ang isang gusot na papel. Nandito kami ngayon sa opisina niya. Kami lang ang nandito habang si Harris nama'y naghihintay lang sa labas.

Three days have passed since that incident where Lissandra almost killed Cerisse. Hindi pa rin siya pumapasok hanggang ngayon. And for Cerisse, she's perfectly normal after what happened.

"Pero bakit nadamay sina Cerisse dito?" Pagtatanong ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinaglalaruan na naman niya ang pulang bulaklak na hawak-hawak ng labi niya. 

"Well... She's kind of... Annoying. Y'know... She's getting in my way. Habang sumisikat ako nakikisawsaw din siya. Kinukuha niya mga fans ko. So gusto ko lang naman na sirain ang maganda niyang mukha. But I didn't expect that crazy girl have crossed the line. Hmm, it's not my blame." Wika niya. Nakakibit-balikat habang naka dekwarto at nakasuot pa rin ng pulang gown. Sa ngayon ay iba na naman ang style.

Napabuntong hininga na lamang ako saka lumabas sa pulang silid. Sinalubong ako ni Harris sa mala-portal na invisible door ng opisina ni Ashlynn na ngayo'y naghihintay sa kung ano ang sasabihin ko tungkol sa ano ang resulta ng pag-uusap namin ng club president nila. 

He looked at me with a questionable reaction. I looked at him and just sigh. 

"What happened?" Pagtatanong niya at sumabay sa paglalakad ko. Nakatuon ang atensyon ko sa sahig na dinadaanan namin palabas ng clubroom.

"She's just trying to mess with Cerisse." Pasimpleng tugon ko sa kanya at hindi man lang nagtapon ng tingin sa kanya. 

"Is that it?" Tanong niya.  Natigil kami sa paglalakad nang makaabot na kami sa makulay na hallway. Walang katao-tao sa hallway except sa aming dalawa ni Harris. Rinig na rinig sa buong hallway ang mga boses namin na nag uumapaw.

Hinarap ko siya at sasagot na sana nang maistorbo ang pag-uusap namin nang may dumating na kakaakyat lang sa floor na 'to.

"Uhm, excuse me. Alam niyo ba kung saan ang clubroom ng Supernatural Club? Sabi nila nandito raw sa floor na 'to." Tanong ng babaeng papalapit sa kinatatayuan namin. May mahaba at ma alun-alon na buhok. Kasing itim ito ng uling at mayroon siyang makinis na kutis at maamong mukha. Nakasuot siya ng bilog na eyeglasses. At napapansin kong mahaba ang mga pilik-mata niya.

"Oo, ako ang vice president ng club, sasali ka ba?" Sagot ni Harris na humarap sa kanya. 

Nang makalapit na siya sa harapan namin ay tumigil ito sa paglalakad. Ngumiti siya ng konti saka nagsalita.

"Uhm... I'd like to! I'm Mirren Buenaventura. Third year. But before that, I'd like to have an important discussion with the President." Pansin ang galak sa reaksyon niya.

"I'm sorry but the president's not available right now. You can talk to me and I'll tell the president about our discussion later."Pagpepresenta ng kasama ko. Ngayon ko lang nalaman na mataas din pala ang ranggo ng lalaking 'to.

"Okay! Pero... Hindi ito ang magandang lugar para pag-usapan ang gusto kong ibahagi sa inyo. It's kinda weird."

--

Nasa ilalim kami ng malaking puno sa likod ng senior building. Kaming tatlo lang ang nandito kaya mapayapa ang lugar.  Maganda rin ang simoy ng hangin dito kaya kumportable kami. 

"Actually, kaya ang Supernatural club ang gusto kong makausap dahil konektado lang ito sa mga pangayayaring mahirap ipaliwanag. Gusto ko sanang itanong kung pamilyar ba sa inyo ang bulaklak na kumikinang at tumutupad ng mga kahilingan." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Mirren. Napatingin ako sa katabi kong si Harris na nagulat din. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wish Upon The Petals Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon