Petal: 3

9 1 0
                                    

Melody

"P'wede na rito." Tugon ko sa kanya nang makapili na kami ng pwesto kung saan pag-uusapan namin ang tungkol sa ipinakita niya.  Sa ngayon ay nandito kami sa isang parte ng parke na kami lang dalawa ang nandirito.

Tumango naman si Paige na hindi pa rin makatingin sa 'kin dahil sa hiya.  Hindi ko rin masyadong makita ang kabuohan ng mukha niya dahil natatabunan ito ng buhok niya. 

"Paige, h'wag ka nang mahiya sa 'kin.  I can be your friend." Sabi ko suot ang matamis na ngiti. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya para tingnan ako at tumango ulit. But this time, may kasama ng ngiti.

"Now, can I ask you about the flower?" Tanong ko. 

Ilang segundo rin akong naghintay at nagsalita rin siya. "N-N-Nakita... K-Ko lang... 'To... S-Sa kwarto ko." Nauutal pa siya. But honestly I like her cute voice. Nababagay talaga sa itsura niya.

"Same. Nakita ko sa locker 'yung sa 'kin. Paano mo naman nalaman na may bulaklak din ako?"

"N-Nakita ko noong nabundol kayong dalawa ni... Cerisse." Naaalala ko na. Nalaglag ang bulaklak mula sa nakabukas kong bag.  Nakita rin pala 'yon ni Paige.

"Paige marami pa akong tanong. Okay lang ba?"

"It's okay, as long as masasagot ko." Medyo kumportable na siyang kausap ako dahil medyo napapangiti na siya.

"Bakit mo naisipang komprontahin ako tungkol dito?"

"I-Im sorry! Gusto ko lang malaman kung bakit nagkaganito ang mundo kahit hindi naman ganito ang hiling ko." Parang natakot siya dahil sa tanong ko. 

"No, you don't have to be sorry Paige. I'm just curious." Wika ko sabay ngiti sa kanya at hinawakan sa kanyang balikat. "And about the changes... I wished for it." Namangha naman siya sa narinig niya. "But hindi ko pa alam na matutupad pala 'yon! Hawak-hawak ko lang ang bulaklak at that time and then suddenly!" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil napatitig ako sa mukha niyang manghang-manghang nakikinig sa sinasabi ko.

"Wow. Thank you for changing the world Melody." Mahinang tugon niya pero naririnig ko pa rin. And that was the first time I heard her called me Melody.

"What did you wish for?" Pag-iiba ko ng tanong. 

Umiwas siya nang tingin sa 'kin at napahawak sa, bridge ng kanyang salamin. Medyo namula rin siya kaya medyo na curious ako.

"I-I can't... Tell you that... I'm sorry."

"No, it's okay! I won't force you." Gayak kong sabi sabay tapik sa kaliwang balikat niya.

"Thanks... Melody."

"Yeah, sure."

--

Sabay kaming bumalik sa classroom ni Paige and we're kind off... Late for third period in the morning. Kaya medyo na sermonan kaming dalawa ni Paige pagpasok. Pero napatawa na lang kaming dalawa nang makaupo kami sa aming mga upuan. 

In a short period of time, naging malapit kami ni Paige at nasabi ko rin sa kanya ang patungkol sa bulaklak kung paano ito gamitin.  Natanong niya rin kung bakit alam ko raw pero hindi ko muna sinabi sa kanya. 

Masakit lang isipin na ang nagsabi no'n sa 'kin ay patay na.  Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Sa ngayon ay nagdurusa pa ang mga kapamilya
ni Lyudmila dahil sa sinapit niya.

"Mels! Sabay na tayo?" Alok sa 'kin ni Rafe matapos ang klase sa hapon. Suot niya ang kanyang malaking ngiti.

Tumango lang ako saka ngumiti.

Wish Upon The Petals Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon