Melody
"Yo Mels!" Narinig kong tawag ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Rinig ko rin ang mga yapak niyang nagmamadaling makalapit sa'kin. Hindi na ako tumigil sa paglalakad dahil alam kong sasabay din siya sa paglalakad ko.
"Oh, hey Rafe." Matamlay kong bati sa kanya nang makalapit na ito. Hindi ako nagtapon ng tingin sa kanya at nakatuon lang ang paningin ko mga puno.
"Ganda ata ng gising mo ah? Anong meron?" Tanong nito at inakbayan ako. Inalis ko naman ang pagkakaakbay niya dahil medyo mabigat ang braso niya.
"Hindi naman." Sabi ko.
"Alam mo Mels, kailangan mo ng vitamins. Ang tamlaaaayyyy mo kasi!" At kinusot-kusot ang pisngi ko. Hindi naman ako umawat dahil sanay na ako sa mga kalokohan nitong lalaking 'to.
"Hindi ka pa ba nasanay? Ganito talaga ako. Ewan ko ba't ang boring ng buhay ko. Sa sobrang boring napag-isipan ko na lang na maging matamlay." The world is so boring. Even me.
"Hindi ko gets!"
"You don't have to."
Natahimik siya at nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad papunta sa paaralan. Malapit lang kasi ang bahay namin sa paaralang pinapasukan namin.
Habang naglalakad ay napatingin ako sa mukha ng kasama ko. Nakatingin siya sa nilalakaran namin na parang may malalim na iniisip.
It's unusual na kaya niya pa lang tumahimik ng ganito katagal. Knowing him, he's one of the most talkative and cheerful guy in class. Maraming alam na kalokohan at palaging nakangiti pero ngayon... Seryoso siya.
Tatanungin ko na sana siya nang bigla na lang siyang magsalita.
"Mels! May sasabihin ako!" Medyo nagulat ako nang bigla siyang napasigaw. Napatingin naman ako sa kanya. Parang kinakabahan ata siya.
"You don't have to shout dude. Oh? What is it?" Napatigil ako sa paglalakad pati na rin ang kasama ko.
"Uhm... Paano ko ba sasabihin 'to?" Umiiwas siya ng tingin sa'kin na parang nahihiya pa.
"Spill it out. Come on." Nahihiya pa rin siya at ngayo'y pinagpapawisan pa.
"'Yong... P-Project natin... Hindi ko pa na-nat-tapos!" At yumoko ito sa harapan ko.
Nag sink in sa utak ko ang project namin na ipapasa after lunch break.
"Ha?"
"H-Hindi ko pa natapos." Umayos siya ng tayo.
"So?" Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod naman ito.
"T-That's it? Hindi mo 'ko sisigawan? H-Hindi ka magagalit?" Natataranta pa rin siya ngunit ramdam ko ang pag-aalala mula sa boses niya.
"Nope." What's the point? Kung hindi niya natapos edi tapusin niya mamaya.
Napabuntong hininga naman siya. A sign of relief. Pero hindi lang siya ang napabuntong hininga. So as I. Nasa harap na namin ang malaking gate ng paaralan. But for me it's not a sign of relief. A sign of boredom.
Kinakalawang na gate. At pagkapasok namin, maraming tuyong dahon na nagkalat sa pathway at mga damong tumubo sa kilid ng pathway na halatang hindi inaatupag ng mga naglilinis. Araw-araw akong napapatingin sa paligid ng buong paaralan upan hanapin kung may pagbabago ba. Pero hanggang ngayon...
No sign of improvement. Sana pagandahin naman nila ang paaralan para naman may ganang pumasok ang mga estudyante.
Narating namin ang pinakaunang building kung saan nandito ang mga freshmen. Nilagpasan lang namin ito at habang naglalakad ay panay naman ngiti nitong kasama ko sa mga first years girls na nakatayo malapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Wish Upon The Petals
Fantasía"Together we wish, together we'll reach it." Eight girls. Eight wishes. Eight darkest secrets. Together they'll wish different wishes the same day that can turn their lives upside down.