Simon
The moment I entered this school... My life changed as fast as the light travels. Back then I don't know my purpose. What's my purpose in life? The question that always circles in my head. But when I first saw her...
I found my purpose.
"H-Hi Cerisse! Y-You probably don't know m-me. I-Im Simon! Simon Corpuz! T-The truth is... I-Im a big fan of yours!" Sa wakas. Ang lahat ng mga emosyong binubuo ko noon ay nailabas ko na rin. Matagal na 'kong nagtangkang kumprontahin si Cerisse pero wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya. Pero binigyan ulit ako ng pagkakataon at hindi na ako nagdalawang-isip pa at sinabi na kaagad sa kanya ang nararamdaman ko.
"E-Eh?" She's probably confused at this moment dahil sa kaweirduhan kong ginawa sa kanya out of nowhere.
"I like you Cerisse!" yumuko ako upang hindi niya makita ang namumula kong mukha. Nakakahiya. Dyosa ang nasa harapan ko't ako nama'y isang putik lamang na dumikit sa magara niyang suot.
Hinintay ko ang sagot niya ng ilang segundo. Narinig kong gumalaw siya at parang lumapit pa sa 'kin.
Napatayo ako nang maayos at tiningnan kung ano ang ginagawa niya. Suot niya ang isang ngiti na siyang nagpakalma ng tuluyan sa 'kin. Inalok niya ang isang kamay niya sa 'kin kaya nagtaka ako.
"Do you want a handshake?" Tanong niya na may mala-dyosang boses. Nakaukit pa rin ang ngiti sa labi.
Hindi ako makapag-salita kaya kinuha ko na lang ang kamay niya at hinawakan ito. The warm sensation. Her soft hand. It feels like Im on cloud 9.
"Simon, thank you. I really appreciated it." Tugon niya habang nakatingin sa mga mata ko. "But I'm sorry. I really want to talk to you but... Nagmamadali kasi ako so see you!" Sabi niya sabay takbo palabas ng gate. Tumigil pa siya saglit at tumingin ulit sa 'kin at kumaway. Napakaway rin ako habang nakangiti.
Pinagmasdan ko lang siyang tumatakbo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hindi pa rin nawawala ang ngiting nakaukit sa aking labi. And my heart is still beating so fast.
Simula noong araw na 'yon, hindi talaga mabubuo ang araw ko kapag hindi siya nakikita. Even though, first year ako at siya nama'y second year sinisikap ko talaga ang sarili kong pumunta sa kanilang department para lang makita siya.
Sa tuwing recess, pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo habang nakikipaghalubilo sa mga kasama niya. Tuwing uwian naman ay binabantayan ko siya. Dahil naglalakad lang siya pauwi, sinisugarado kong ligtas siya. Some of you will say that I'm a freaky stalker but no. I'm her protector.
Gusto ko rin sanang kunan siya ng litrato ng hindi niya nalalaman pero hindi ko ginawa 'yon. Mas mabuti pang kumuha muna ng permiso mula sa kanya at tsaka sapat na rin sa 'kin na makita siya araw-araw.
At ngayon, plano kong lumapit sa kanya at kausapin siya. Hindi na ako kuntento sa tingin-tingin na lang sa kanya. Gusto ko siyang maging kaibigan. Gusto ko siyang samahan sa tuwing siya'y kumakain. Gusto ko na may litrato ako na kasama siya sa tabi. Gusto ko siyang ihatid tuwing hapon. Gusto ko siya. Gustong-gusto.
Naglalakad ako papunta sa department nila para sana kausapin siya ngunit hindi na ako umabot pa sa building nila. Nakababa na pala siya. Hindi kalayuan sa 'kin, lalapitan ko na sana siya suot ang aking malaking ngiti ngunit hindi ko inaasahan ang nangyari.
Imbes na makalapit sa kanya, hindi ko 'yon nagawa. Maraming estudyante ang lumapit sa kanya at bumati. May iba pang kumuha sa kanya ng litrato at kung ano-ano pa.
Gusto ko rin sanang makiisa sa ginagawa nila pero hindi ko magawa. Gusto kong ako lang. Ako lang makakausap niya sa oras na lalapit ako sa kanya. Ayokong may distorbo.

BINABASA MO ANG
Wish Upon The Petals
Fantasia"Together we wish, together we'll reach it." Eight girls. Eight wishes. Eight darkest secrets. Together they'll wish different wishes the same day that can turn their lives upside down.