Prologue

58 5 1
                                        

"I wish that life would be like in fantasies that will never be boring." I muttered while holding that nameless piece of flower.

Habang naglalakad ako palabas ng school building ay napatigil na lamang ako sa paglalakad nang may naramdaman akong kakaiba. Hindi pangkaraniwang tanawin. Kung hindi nagkakamali ang mga mata ko sa aking nakikita...

Mula sa labas ng bintana. Kitang-kita ko na nag iba ang kulay ng mga ulap sa kalangitan. Mula sa puti ay unti-unti itong napapalitan ng kulay-rosas.

Napanganga ako sa nakita kong pangyayari. What's with this phenomenon? Hindi ko naman 'to narinig sa balita kaninang umaga. Tanging sinabi lang ay magiging maganda raw ang panahon ngayon at maganda naman kanina lang pero...

August 2, 2018. Thursday. The day I first saw something that the whole world can't even explain. A whole new world of fantasies. This is the new reality.

Flowers growing all over the crowded hallway. The bland color of the walls turned colorful like the colors of the rainbow. The lockers and other stuffs too. Vines with colorful flowers growing all over.

But it's strange. Ako lang ang nakakapansin ng lahat ng mga nangyayari sa paligid.  Nakatayo ako sa gitna ng mataong hallway habang pinagmamasdan ang mga makabagong nakikita ng mga mata ko. Patuloy pa rin ang daloy ng ikot ng mundo ngunit ni isa sa kanila'y hindi man lang nagulat o namangha sa mga nakikita.

Am I? Seeing things na hindi nakikita ng iba? Or am I paranoid?

Tumakbo ako papalabas ng building at natigil na lamang ako nang masaksihan ang kamangha-manghang tanawin. Those trees... Before, those leaves are green but now, it's all pink. Like cherry blossom trees. Nababalutan ang pathway ng maliliit na kulay-rosas na dahon dahil may iilan na nahuhulog.

At ako lang din ang namangha sa nakikita.  Those people... Parang wala lang sa kanila ang malaking pagbabago. 

Tinahak ko ang malawak na pathway papunta sa school gate at nang makaabot na ako ay napatigil muna para pagmasdan ulit ang paaralan kung saan ako nanggaling.

Hindi nga ako nananaginip.  Totoo ang lahat ng 'to. Not only the school. But the whole world I think. But then I realized... It was my wish.  My wish came true.

Natanong ko sa sarili ko kung bakit nagkatotoo? At naalala ko ang bulaklak na 'to.

Ibinuka ko ang aking palad at pinagmasdan ang bulaklak na nakalagay dito. May walong talulot ito ngunit ang isa'y unti-unting nalalagas hanggang sa mahulog ito.  Ngayon ay pito na lamang.

Binaliwala ko na lang ang nahulog na talulot at nagpatuloy sa aking paglalakad suot ang malaking ngiti sa labi.

Hindi man ako sigurado kung sino o ano ang tumupad sa aking hiling pero malaki ang pasasalamat ko na natupad ito. Siguro ang bulaklak na 'yon ang dahilan.


Wish Upon The Petals Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon