Chapter 2:

54 1 0
                                    


• •


Ang inaasahan ko ay lugar na parang bulkan. Mga skeleton at agnas na mga tao na naghihirap at pinaparusahan. Maingay na paligid na puno ng galit, lungkot at pasakit.

A stereotype of a hell.

Pero kabaliktaran nito ang nakikita ko ngayon. Para itong isang magarang kaharian na may malawak na sinasakupan. Ang mga mamamayan na naninirahan ay masaya at walang pinoproblema.

Seriously? Bakit ba kasi ako naniwala sa kung sino man ang nagpalaganap ng balita na ang impyerno ay isang lugar na hindi mo gugustuhing maging tahanan.

Ang astig kaya dito.

"Tara na." Nagulat ako nang biglang magsalita si kamatayan. Nananakot na naman siya. Lumingon ako sa kanya at namangha ako nang magiba na ang suot niya.

Para siyang isang commander sa suot niya. May nakapalibot na bakal sa kaliwang braso niya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na may kung anong-anong palawit na nakalagay. Ganoon rin sa pangibaba niya. Para siyang lulusob sa isang labanan.

"Kailan ka pa nagbihis?"

As usual, hindi niya na naman ako pinansin at nagumpisa ng maglakad. Gusto ko siyang batukan pero hindi ko magawa.

"Kung hindi ka lang gwapo. Hay... naku!"

Sumunod na lang ako sa kanya ng tahimik. Mabuti nga at nakakaya kong pigilan ang bunganga ko sa mga tanong na gusto kong sabihin sa kanya. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa napakalaking gate ng palasyo.

Nanlaki ang mata ko. Ngayon ko lang napansin ang apoy na gate na nakapalibot dito.

May dalawang malalaking katawang lalaki ang nakabantay dito. Dire-diretsong naglakad si kamatayan.

"Old Nick." May takot na sambit ng isa at kaagad na binuksan ang gate.

Iyon ba ang pangalan niya?

Ganoon na ba nakakatakot itong lalaking ito? At hindi man lang sila napaso?

"Let's go." Ani kamatayan.

"Thank you." Ngumiti pa ako sa mga gwardya bago sumunod kay kamatayan.

Nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko nang masilayan ang loob nito. Para itong palasyo sa gitna ng kagubatan. Isang kagubatang madilim, delikado at nakakatakot.

"Nick!" Napatalon ako nang biglang lumabas sa madilim na lugar ang dalawang napakalaking aso, sila ata ang nagbabantay sa pintuan.

"Roar!"

"Shit! Shit!" Mura ko at napatago sa likuran ni kamatayan nang biglang tumahol ang dalawa.

Pareho silang napakalaki, ang nasa kanan ay tatlo ang ulo samantalang dalawa naman ang nasa kaliwa. Oh god, help me.

"Skes peraw no darte ame. To chari adawtimo." Ani kamatayan. Kinakausap niya ang dalawang halimaw sa lengguwaheng hindi ko maintindihan. Sumagot ang isang aso na dalawa ang ulo sa ganoon ding lengguwahe.

"Abide namar." Ani nito. Umatras si kamatayan kaya napaatras narin ako. Biglang tumayo ang dalawang napakalaking aso at tumahol na parang lobo. Mas lalo akong natakot, para kasing lulusubin nila kami anumang oras.

My Enigmatic Lucifer (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon