• • •
"Here. You'll be staying here." Walang emosyon nitong sabi. Una ay hindi pa ako nagulat sa sinabi niya, hanggang sa bigla na lang lumaki ang mga ko sa gulat.
"M-mahal na hari... H-hindi ko ho kayang tumuloy at matulog kasama ka sa kwartong ito. Hindi naman ho sa pangit kayo o ano, ngunit hindi ko lang ho talaga kaya. Virgin pa po ako kaya maawa ho kayo sa akin, kamahalan. Patawarin niyo ho ako." Ani ko at nagmamakaawa ang mga mata siyang tiningnan.
Nakataas lang ang kanyang kilay na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bakit? Hindi ba ganoon ang gagawin niya?
Bumuntong-hininga siya at tamad akong tiningnan.
"The guards outside will guide you to Ofelia who'll assist you to your works." Aniya at tinaasan ulit ako ng kilay bago tinuro ang pintuan.
"Now, get out of my sight." Hindi paggalit ang boses niya pero sapat na iyon para matakot ako at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya.
Ang gaga mo talaga Syrine! Shit! Feeling mo naman na gagapangin ka ng hari?
Tama nga sila, nakakatakot ngang talaga ang bagong hari. Mata palang nagaapoy na.
Gaya nga ng sinabi nito, dinala ako ng dalawang bantay sa kung saan makikita ang sinasabi ng hari na Ofelia.
Naabutan ko siyang nananahi habang nakaupo sa isang pang-isahang upuan. Magkasing-edad lang ata sila ni Madam Cecilia, ngunit parang mas mataray ang isang ito.
Umalis na ang mga bantay at doon niya na ako kinausap... o mas magandang sabihing 'sinuri'. Nakakatakot siya kung pasadahan ako ng mula ulo hanggang paa.
"Ikaw ba si Syrine, ang bagong digna ng hari?" Tanong niya at mabilis akong tumango.
Pinasadahan niya ulit ako ng tingin na bored na bored sa buhay ang itsura.
"Ngayon, alam ko na kung bakit ako pinilit ng batang iyon." Bulong niya at umiling-iling pero sapat na para marinig ko. Bago pa ako makapagtanong sa kanya ay bigla niya na lang akong binato ng damit na tinatahi niya kanina-kanina lang. Kaagad ko din naman iyong nasalo ng dalawa kong kamay kaya nabitawan ko ang mga dala kong gamit.
Kagaya ng damit na suot ko ngayon ay masasabi kong walang ipinag-kaiba ang damit na ibinigay niya. Nagiba lang sa kulay dahil pale blue ito.
"Suotin mo 'yan sa tuwing magta-trabaho ka. Marami kang gagawin..." bigla na lang siyang tumayo at tumalikod kaya sinundan ko. "kaya dapat palaging may laman ang tiyan mo. Hindi mo na kailangan pang paglutuan ng agahan ang hari at alam ko, na alam mo kung bakit." Aniya sabay tingin sa akin. Mabilis akong tumango kaya naglakad na naman siyang muli. Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil nakakabas na kami ng kwarto niya.
"Sa tanghalian at hapunan ay may magbibigay sa mahal na hari ng pagkain, kunin mo na lang iyon sa tagapagsilbi at ikaw na mismo ang magbigay sa hari. Ayaw na ayaw niya kasi na kung sino-sino lang ang pumapasok sa kwarto niya." Aniya, todo tango lang naman ako.
"Pagkatapos kumain ng hapunan ay kumuha ka ng bagong damit sa Lumbihan para handa na ito kinaumagahan. Ikaw pa mismo ang magsusuot ng damit sa kamahalan, tuturuan kita kung paano at anong mga damit ang kakailanganin. Bago ka matulog ay siguraduhin mo muna kung may kailangan pa ang kamahalan o wala na." Aniya at sa wakas ay tumigil na rin sa paglalakad.
Ngayon ko lang napansin na nakapasok na pala kami sa isa pang silid kung saan may dalawang tao sa loob na abala sa pagkulikot ng mga kagamitang metal.
"Madam Ofelia, ano't naparito kayo?" Anang lalaki na nasa edad trenta na at tumigil sa ginagawa. May kasama siyang babae na halos parehas lang sa edad niya.