Chapter 4: Tagapagsilbi

43 1 0
                                    

Mabilis ang aking paghinga nang makapasok kami sa kwarto. Hingal na hingal ako habang nakahawak sa magkabila kong tuhod.


"B-bakit ba... tayo tumatakbo?" Tanong ko sa sa lalaking kaharap nang mabawi ang hininga ko. 

Madilim ang kanyang mga mata nakatingin sa akin. Nanginginig ang kanyang panga at nakakuyom ang mga kamay, tila ba nagpipigil ng galit.

"Anong pumasok sa isipan mo at lumabas ka?!" Galit ngunit pabulong niyang tanong. Napalunok ako at dahan-dahang umayos ng tayo at hinarap siya.

"Bumalik ako rito pero wala ka." Mas lalong kumot ang noo niya, tila ba mas lalong nagalit.

Patay.

"Akala ko kasi napano ka na, kaya lumabas ako at pumunta kung saan 'yong Holocaust." Pagsasabi ko ng totoo. Malay mo lumambot ang puso niya dahil may isang babaeng nag-aalala sa kanya. Na kahit na ang sama ng ugali niya'y may nagmamalasakit parin sa kaligtasan niya. Well, partly, kasi hindi ako makakaalis dito kapag patay na siya.

"Bakit ka pumunta sa Holocaust?" Sa halip ay tanong niya. Tsk. Hindi man lang nagpasalamat, wala talagang puso ang isang 'to.

"Hindi ka ba nagiisip? Paano na lang kung makita ka nila? Sinusunog ka na sana ngayon?" Buong boses niyang tanong. Hindi ko rin naman alam kung bakit sa Holocaust ko naisipang hanapin ang lalaking ito.

Ngumiti ako ng pilit para pakalmahin siya.

"Sorry na." Ani ko ay binigyan pa siya ng peace sign.

"Hindi naman natuloy eh. Mabuti nga at doon pa ako napunta sa silid-pulungan." Simpli kong sagot ng may pagmamalaki.

Halos masabunutan niya na ang buhok niya sa ulo dahil sa pagpipigil ng galit, dahil doon ay napaatras ako sa takot. Baka ako pa ang sunod na sabunutan niya.

Mukhang mas lalo ko ata siyang nagalit. Humakbang siya papalapit habang madilim ang mga matang nakatingin sa akin. Oh no. Papa Jesus, tulungan mo po ako.

"Muntik na tayong mahuli ng dahil sa ginawa mo!" Madiin niyang sambit. Para akong isang batang pinapagalitan ng magulang niya kaya walang nagawa kundi iyuko ang ulo.

"I-t's not my fault. Kung hindi ka sana umalis--"

"Kung naghintay ka lang sana at hindi lumabas hindi magkakaganoon!" Napaigtad ako dahil sa sigaw niya. Matalim mga mata ko siyang sinalubong ng tingin.

At siya pa ngayon ang magagalit? Kasalanan ko ba kung bakit hindi ako nakapagtiis? Kasalanan ko bang nagaalala ako sa kanya dahil baka wala ng tumulong sa akin palabas sa bwesit na lugar na ito? Edi kasalanan ko!

Kinuha ko ang balabal sa ulo at itinapon iyon sa sahig. Tinalikuran ko siya at aamba na sanang lalabas nang bigla niya na lamang hawakan ang braso ko para pigilan.

"At bakit ka aalis?" Galit niyang tanong.

Kinuha ko ang kamay niya na nakakapit sa braso ko at hinarap siya.

"Kung ganito lang naman pala ang uri ng pagtulong mo sa akin, no thanks. Maghahanap na lang ako ng ibang--"

"Sa tingin mo ba talaga tutulungan ka nila?" Pinutol niya na naman ako. Hindi ko siya sinagot ngunit hindi na rin ako lumabas pa. Nakatingin lamang ako ng diretso sa pintuan habang patuloy siyang nagsasalita.

"Hindi mo kilala ang mga nilalang dito. Gagawin nila lahat para sa lamang sa kapangyarihan. At kung mapapadpad ka man sa kanila, tingin mo makukuha mo pa ang gusto mong kalayaan?" Matigas niyang tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Bago pa lang ako dito sa lugar at hindi ko alam kung ano ang likaw ng bituka ng mga nilalang dito.

My Enigmatic Lucifer (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon