Chapter 3

44 1 0
                                    

• • •


Lumipas ang umaga at tanghali ngunit wala pang dumadalaw kay Lola. Hindi ko talaga mawari kung paano nagkakaroon ng liwanag sa lugar na ito. Kita ko kasi sa maliit na bintana ang maliwanag na sinag ng buwan at kumukutitap na kalangitan kapag gabi.

I mean, this place is supposed to be dim and... dark. Kasi diba? UNDERworld. Under. Walang ilaw, madilim. Pero paanong may kalangitan at may liwanag? Enlighten me please...

Never mind that thing. Kanina pa ako kinakabahan, ilang oras na lang at magagabi na. Malapit ng ganapin Holocaust.

I've been pacing back and forth for almost 2 hours already. Kanina pa ako hindi mapakali, naninikip ang dibdib at naiihi. Shit! Seriously? Diba dapat kapag patay ka na hindi mo na mararanasan ang mga ganito? Bakit naiihi ako at pakiramdam ko baka matae pa ako mamaya? Wala ba silang banyo dito? God help me!

"Umupo ka muna, hija, kanina ka pa hindi mapakali." Saway sa akin ni Lola Emilia. Tumigil ako sa pabalik-balik na paglalakad at hinarap siya.

"Matagal pa po ba 'yung alaga niyo?" Hindi makapghintay na tanong ko. Baka kasi hindi na ako makatakas at masusunog na talaga ako ng tuluyan.

"Darating narin iyon maya-maya." Ani Lola. Tumango na lang ako kahit kanina pa ako kating-kating makalabas. Ngunit lumipas ang ilang oras at wala kahit isang lumitaw na tao sa harapan namin. Gabi na at sigurado akong maguumpisa na ang Holocaust maya-maya.

Nagkatinginan kami ni Lola nang biglang tumunog ang pintuan. Hayan na...

Nakangiti akong tumayo ngunit nawala iyon at napalitan ng kaba nang makita ang dalawang malalaking lalaki sa pintuan. Kunot-noo akong napatingin kay Lola. Bakas sa mukha niya na hindi ito ang hinihintay namin.

Gusto kong maiyak. Wala na talaga akong pag-asa.

"Sumama ka sa amin." Ani ng isa at hinila ako palabas ng kwarto. Nagpumiglas ako ngunit malalakas sila.

"Lola! Lola, tulungan niyo ako!" Sigaw ko ngunit bago pa iyon magawa ni Lola ay sinara na ng isang lalaki ang pintuan.

Katapusan ko na.

Dito na nga ata talaga siguro matatapos ang walang halaga kong buhay. Mawawala na ako ng tuluyan.

***
Kanina pa ako umiiyak habang nagpaparada kasama ang mga kakosa ko. Marami kami, katulad ko ay ganoon rin ang nararamdaman nila. Sino ba naman ang hindi? Sabi ni Lola, kapag daw nasunog ka sa porgatoryo, hindi ka na muling maibabalik pa. Ibig-sabihin, hindi ka na muling maire-reincarnate pa. Ang saklap naman pala talaga ng buhay naming ito.

May mga gwardyang nagbabantay sa bawat galaw namin kaya mahirap talagang makatakas. Kanina pa kami naglalakad sa isang madilim na daan na ang nagsisilbing ilaw lamang ay ang mga torch na nakasabit sa pader. Parte parin ito ng underground, napakalawak. Minsan may nadadaanan kaming mga kwarto. Pinapahirapan nila ang mga nakakulong rito.

"Ano ang ikinamatay mo?" Nagulat ako at pinilit na huwag mapatalon nang makaharap sa isang babaeng medyo may kaputian. Kaagad kong pinunasan ang luha ko. Mukha namang hindi niya nahalata iyon dahil medyo madilim. Nang tingnan kong muli siya at puno pala ng sugat at laslas ang katawan niya. Mayroon pang nakaguhit na malaking 'X' sa mukha niya. Mukhang pinatay siya.

My Enigmatic Lucifer (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon