• • •
"I'm sorry to tell you this, Miss Galindez but... you have a stage 2 cancer."
Halos gumuho ang mundo ko sa narinig. God, is this the life you want me to live? Hindi ito ang buhay na hinihingi ko. All I want is a simple life but you gave me a miserable and a not worth living one. Kakamatay lang ni Lola noong nakaraan buwan.
Siya na lang ang nag-iisang taong tumataguyod sa akin tapos nawala pa. Curse my goddamn parents! Bakit pa kasi nila ako binuo kung hindi naman pala nila kayang panagutan?!
Wala sa sarili akong naglakad palabas ng hospital. Hindi ko na pinatapos pa ang doktor na magsalita. Wala akong pakialam kung mukha na akong tanga ngayon dahil sa walang hintong pagtulo ng aking mga luha kahit kanina ko pa pinupunasan.
Bigla na lamang tumunog ang phone ko at kahit papaano'y napangiti ako nang makita kung sino ang tumatawag.
Jed Calling...
"H-hello, Jed?" Hindi ko pinahalata ang boses ko. Ayaw kong mag-alala siya sa akin at dumagdag na naman sa mga problema niya.
"Sy? Can we meet?"
"Sige. Saan?"
"Uhh... Sa dating tagpuan." Sagot niya.
"Ok. Papunta na ako. I love--" Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang bigla niya na lamang pinatay kaagad ang linya.
Busy na naman siguro.
Pinunasan ko ang luha ko at nagretouch muna sa banyo para hindi mahalata ang mugto kong mga mata. Limang minuto akong late bago makarating sa lugar na pagkikitaan namin ni Jed, our favorite place. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid habang nakasilip sa labas.
"I'm sorry, I'm late." Ani ko habang nakatayo sa harapan niya. Tamad niya lamang akong tiningnan, hinihintay ko ang usual na ginagawa niya kapag nagkikita kami ngunit hindi man lang siya tumayo sa kinalalagyan para gawaran ako ng halik.
Anong nangyayari sa kanya?
"Uhh... Nag-order ka na ba?" Tanong ko at walang nagawa kundi ang umupo na lamang sa harapan niya. Umiling siya habang seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.
I don't know, but I have a feeling about this. Pangalawang beses ko na siyang nakitang suot ang parehong mukha na iyan, 'yong walang emosyon ang mga mata at parang ang layong abutin.
"Ako na lang ang--"
"Hindi na rin naman ako magtatagal dito. May... importanti lang akong sasabihin sa'yo." Seryoso niyang wika. Mas lalo lamang akong kinabahan at dumagdag pa doon ang malamig niyang pakikitungo sa akin ngayon. Minsan ko lang siyang makitang seryoso at ayaw kong mangyari ang iniisip ko ngayon. Not now that I need someone to talk to. Not him. Please...
"Ako rin. M-may kailangan kang malaman tungkol sa akin." Sambit ko. Siya na lang ang taong matatakbuhan ko. Siya na lang ang nagmamahal at nakakaintindi sa akin.
"Ikaw muna."
"Hindi, ikaw muna." Pagpipilit ko. Ayaw ko siyang biglain sa ibabalita ko. Tumango siya at hindi man lang ngumiti sa gawi ko kahit isang beses simula pa noong dumating ako.
Siguro pagod lang.
'Yan ang palagi kong binubulong sa isipan ko kahit na alam ko na ang sagot. Na kahit alam kong kabaliktaran na iyon ang katotohanan ay pilit ko na lamang tinatakpan para hindi ako masaktan. Please, Jared. Don't do this to me.