Chapter 6: Stupid Angel

27 0 0
                                    

• • •

"Luke" Pabulong kong sambit.

"Anong ginagawa mo dito?" Sa halip na sumagot ay hinila niya ako papasok sa isang maliit na silid.

"Luke, anong ginagawa mo dito?" Tanong kong muli sa kanya bago ipatong ang malaking stainless plate na puno ng prutas sa gilid at hinarap siya.

"Hinahanap ka na nila. May dalawang guwardiya na nakakakilala sa'yo at inutusan ng mahal na hari na halughugin ang buong palasyo, kahit sa labas ng palasyo." Seryoso niyang ani sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ngayon ay kailangan kong mag-ingat. Kung hahalughugin nila ang buong lugar, maaari rin nilang puntahan ang lugar ng mga tagapagsilbi.

"Anong gagawin ko ngayon?"

Kapag nahuli nila ako ay siguradong ipagpapatuloy nila ang pagsunog sa akin. Hindi maaring mangyari iyon. Kailangan ko pang makatakas dito. Kahit na alam kong wala na akong babalikan sa lupa dahil patay na nga talaga ako, mas mabuti namang maging lost soul na lang kaysa maprito ako ng walang cooking oil. Naku po.

May kinuhang manipis na tela si Luke sa sakong kanina niya pa pala dala.

"This will do. First, kailangan muna nating takpan ang mukha mo para hindi ka nila makilala. Come here." Lumapit ako sa kanya. Siya na mismo ang naglagay ng balabad sa taas ng buhok ko at pinaikot iyon sa leeg ko.

Hindi ko maiwasang hindi siya titigan sa kanyang mga mata.

He looks... concerned. I don't know, siguro ayaw niya lang na mahuli ako para hindi siya madamay.

"Stop staring." Aniya. Napaiwas ako ng tingin at tumikhim.

"F-feeling mo." 'Yon na lang ang nasabi ko. Nakakahiya!

Nang matapos niya iyong malagay at umatras na ako pero bago ko pa iyon magawa ay hinila niya na ang braso ko pabalik.

"Not yet done." May kinuha siyang kung ano sa kanyang bulsa--ata-- hanggang sa ilabas niya ang isang kulay itim na...

"Ano 'yan?"

"It's a mole. May pinakalat na mukha mo sa lahat ng gwardiya para makilala ka nila. Hindi nila iyon pinamigay o pinaskil para makita ng lahat, they want it clean and unsuspicious. Wala kang nunal in that picture kaya malaking tulong--"

"Nah gonna happen. No. Na-uh." Pagtatanggi ko. Duhh? Ayaw ko kayang ilagay ang bagay na 'yan sa mukha ko. Malay ko ba kung booger 'yan na pininturahan lang ng itim. Eww...

"Ang arte mo." Umiling ulit ako at umatras.

"Come here, woman." Aniya pero umatras ulit ako.

"Ayaw ko nga, kadiri ka. Ikaw lagyan ko niyan eh."

Napabuntong-hininga siya at huminto sa paglapit sa akin.

"Ikaw ang bahala. I'm not the one who'll die once they saw you, eh?" Aniya at tinaasan ako ng kilay na parang nanghahamon.

"Oh, come one." Pagpapadyak ko at wala sa pusong lumapit sa kanya. Napairap siya sa kadramahan ko at hinawakan ang baba ko.

Sheyt! Ang lapit na ng mukha niya sa akin. Puso, stay still.

"Where should I put this?" Tanong niya.

"Uh... K-kahit saan lang." Wala sa sariling sagot ko. Mas lalong nagkukumahog na tumibok ang puso ko dahil sinuri niya pa ang mukha ko. Hala! Baka may muta pa ako.

"There. All done." Aniya at binigyan ako ng salamin. Aba! Palaging handa si Kuya ah. Kinuha ko 'yon at tiningnan ang sarili. Ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba ay napalitan ng inis dahil sa paglagay niya ng nunal sa ilong ko. Ok na sana eh.

My Enigmatic Lucifer (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon