Chapter 5: Fallen Angels

40 1 1
                                    


• • •


"Araw-araw tayong magsisilbi sa palasyo. Umaga hanggang gabi, aalis lang tayo kapag wala ng mahalagang gagawin doon. Bawal naman tayong pumunta sa palasyo kapag sinabi ng Pinunong Xenon. Dapat sundin natin siya dahil kung hindi, paparusaan niya tayo." Pagpapaliwanag sa akin ni Sheena nang makabalik na sa kwarto ko. Kinuha niya sa baba ng kama ang dala niyang mga damit.

"Heto... 'Yan ang susuotin mo simula ngayon."

Kinuha ko ang damit at sinuri ito.

Isa itong bistida na kulay beige. May ruffles ring nakapaligid sa ibaba ng bistida. Parang katulad siya ng damit ni Cinderella noong inuulila pa siya ng stepmother niya. Gumanda lang ng konti.

"Ilan bang ganito meron ako?"

"Hmm..." Kinuha niya ang lahat ng ito at binilang. Pare-parehas ang design ng lahat. Pinagawa talaga para sa amin.

"Katulad ko ay may lima ka ring damit. Huwag kang umasa sa iba pagdating sa paglalaba. Ikaw na ang kumusa para may maisuot ka. Heto..." Aniya at binigay sa akin ang mga damit. Tiniklop ko lahat ng iyon bago inilagay sa cabinet.

"Mauna na ako. Tatawagin na lang kita kapag nandito na ang lahat at kakain na." Wika niya. Tinanguan ko siya at nginitian bago siya makaalis.

Kinuha ko ang isang bistida na iniwan ko sa kama. Tiningnan kong muli iyon bago sinukat. Nakahinga ako ng maluwag nang magkasya iyon sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko sa pahabang salamin na nakasabit sa pader, malapit sa mesa.

Hmm... Hindi naman masamang tingnan. Naaawa ako sa mga demonyo. Dapat mas pinangitan pa nila ang kasuotan ng mga anghel kung mas gusto nila itong makitang katawa-tawa. Tch.

Pero salamat naman at hindi nila ginawa iyon.

Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa bumukas ang pinto. Iniluwa nun ang isang matangkad na lalaki. Maputi siya at maganda ang pangangatawan. May maitim siyang buhok na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Para siyang isang modelo ng Calvin Klein. Hehe...

Umiling-iling ako para mawala ang kahalayaan ko sa loob ng makasalanang kong pangangatawan.

"Pinapatawag ka na sa baba." Aniya ng hindi man lang ngumingiti.

Napangiwi ako ng wala sa oras. Bakit napakalamig ng mga kalalakihan dito? Kung hindi masungit, deadma king.

"Uh... S-sige." Iyon na lang ang nasabi ko at sumunod na sa kanya. Bumaba kami at dumiretso sa napakalawak na hapag. May mahaba itong mesa na puno ng pagkain. Pinigilan ko ang sarili kong hindi maglaway sa masasarap at nakakatakam na hain sa mesa.

"Sy." Nakita ko si Sheena na papalpit sa akin. Mukhang katatapos niya lang magluto dahil tinatanggal niya palang ang apron niya.

"Sorry ha, hindi ako ang tumawag sa'yo. Marami kasing niluluto eh."

"Ano ka ba, ok lang 'yun." Ngumiti ako para ipakitang wala akong kahit anong tampo sa kanya.

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Tara, upo na tayo." Pangyayaya ko sa kanya para matigil na siya sa kakatanong. Ilang minuto pa ang lumipas ay napuno narin lahat ng upuan sa mesa.

Lahat yata ay nagtataka sa kung sino ako, basi sa mga tanong na nakaplaster sa mga mukha nila.

"Siya si Syrine, siya ang bago nating myembro." Ani ng lalaking nasa gitna na nasa kabilang mesa.

Ano 'to Gang? Singing Group? Dance troupe, ganun?

My Enigmatic Lucifer (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon