Chapter 7

20 0 0
                                    

EAT OR I'LL KILL YOU


• • •

Mabilis akong nag-iwas ng tingin kay Zion at dumiretso na lang ng tingin sa kung saan, makaiwas lang.

"Simula bukas, si Lucifer na ang mamumuno sa palasyo." Mas lalong lumakas ang kaninang mahinang bulong-bulungan.

Maraming umangal, iisa lang ata ang may sang-ayon at mukhang si Maharlikang Ceilo lang. Kanina ko pa siya tinitingnan, hindi malapad ang kanyang ngiti ngunit mababasa mo sa kanyang mga mata na masaya siya.

"Tahimik!" Bigla na lamang sumigaw ang hari na ikinatahimik ng lahat.

"Alam kong maninibago kayo sa aking naging disesyon. Ngunit para isanay ang aking anak ay siya muna ang hahawak sa aking trono. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mabilis na sumagot ang lahat na ikinabalik ng ngiti ng hari. Lumingon siya kay Prinsipe Lucifer at tumango, tumango naman ito pabalik.

Pinaalis na kami ng hari at paglabas ng paglabas ng lahat ay tsismis kaagad.

Ay grabe.

Lahat ay takot at nagagambala.

"Parang gusto ko munang huwag magtrabaho bukas. Baka kung anong sabihin at gawin sa atin ng Prinsipe."

"Nakakatakot talaga siya."

"Kahit hindi ko makita ang mukha niya ay natatakot pa rin ako."

Nagtataka ako kung bakit puro negative ang comments nila patungkol kay Prinsipe--este--Haring Lucifer na pala.

Ganoon ba talaga siya kasama? Parang hindi nama ah?

"Sino ba at ano ba talaga ang Prinsipe?" Tanong ko kay Sheena nang makabalik kami sa kusina.

"Naku, kahit ako'y natatakot siyang pag-usapan. Pero sa pagkakaalam ko ay masama siyang tao."

"Gaano kasama?"

"Napakasama. Marami na raw siyang pinatay at pinasunog. Kahit nga raw ang dating reyna, hindi niya pinalampas." Doon ako nagulat. He killed her own mother?

"Pinatay niya ang kanyang sariling ina?" Hindi makapaniwala kong tanong. As in? Pinatay niya talaga? Napakasama niya kung ganoon.

"Oo. Sampung taon siya noong pinatay niya si Reyna Persephone, ngunit tinago iyon ng hari."

Reyna Persephone

Parang narinig ko na somewhere ang pangalan na 'yan.

Tama. Ang pangalan na iyon ang unang tinawag sa akin ni Lola Emilia noong unang araw ko pa lamang dito. Ang dating Reyna Persephone ang tinutukoy na dating alaga ni Lola Emilia ay Ina ni Lucifer?

Wait... Eh ano ang koneksyon ni Luke sa tatlo? Sabi ni Lola Emilia ay alaga niya rin si Luke. Posibleng kasapi rin ng royal family si Luke.

Pero hindi iyon maaari. Malinaw na guwardya lamang ito. Napakagwapong gwardya. Siguro ay apo siya ni Lola Emillia. Ngayon alam ko na. Ang sweet niya naman para lalaging dalhan ng pagkain noon si Lola Emilia.

Pero ang tanong. Bakit nakulong ang matanda? Ano ang ginawang kasalanan nito?

Bigla akong natauhan nang tawagin ako ni Sheena.

"Sy. Tara na." Nauna na pala siya sa akin.

"Ah... Oo." Ani ko at humabol.

***
Ilang araw na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin ang balita sa loob at labas ng palasyo ang pagiging bagong hari ni Prinsipe Lucifer. Akala mo may scandal, eh no?

My Enigmatic Lucifer (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon