Chapter 8: My Digna

19 0 0
                                    


• • •

Third Person's POV
Nagtipon-tipon ang apat na tagapagbantay kasama ang hari sa isang pribadong bulwagan. Ipinatawag sila ng hari dahil may mahalaga raw silang pagpupulungan.

Kasama niya ang apat na nilalang na nagngangalang Elvis, Pelvio, Hasinto at Mulve.

"Dalawang linggo na ngunit hindi pa rin nahahanap ang babaeng pangahas na tumakas sa itinakdang Holocaust." Panimula ni Tandang Mulve, ang nagbibigay lakas sa lahat ng nilalang na naninirahan sa lugar na ito.

"Hayaan na muna natin ang babaeng iyon. Ang isipin natin ay kung narito pa ba ang kaluluwa ng yumao kong reyna." Anang hari at tumingin kay Elvis, ang tagapangalaga ng kaluluwa ng mga namatay mismo sa mundo ng mga patay, dito sa empyerno.

"Nararamdaman mo pa rin ba siya, Elvis?" Tanong ng hari.

"Wala akong nararamdaman ngayon, ngunit malakas ang kanyang presensya tuwing palaging darating ang mga tagapagsilbi upang maghain ng pagkain tuwing umaga." Nagkatinginan ang lahat sa sinabi ng tanda.

"Nalaman mo ba kung nasaan nanggangaling ang presensyang iyon?"

"Hindi pa, mahal na hari. Ngunit nasisigurado kong malalaman ko rin iyon sa oras na makalapit ako sa kanya." Sagot ni Tandang Elvis. Nakakatiyak siya na malapit lang sa kanila ang presenya ng kaluluwa ng yumaong reyna. Kung ano man ang binabalak nito ay malalaman din nila iyon. Hindi nila hahayaang mangyari ang itinakda sa propesiya.

"Kung gayon, bukas na bukas ay ipapatipon ko lahat ng mga tagapagsilbi ng Sadani para iyong masuri." Ani ng hari na seryosong iniisip ang pinapakay ng kanyang yumaong asawa. Matagal niya na itong pinaghandaan, pero hindi niya akalaing matagal na panahon pa ang inabot nito para makabalik sa kanyang kaharian.

Hindi niya hahayaang magtagumpay ito. She can never take her revenge against him. Never.

***
"Leave, but the new slave stays." Anang prinsesa. Huh. Sige, akala mo matatakot ako sa'yo?

"Ngunit kamaha--"

"I said leave!" Sigaw niya kay Sheena at tumingin sa akin. Walang nagawa si Sheena kundi ang umalis.

"Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong mga palabang wala namang ibubuga." Nagtatagis-bagang niyang ani at tumayo. Lumapit siya sa akin at umikot habang sinusuri ako.

"Hmm... You're too beautiful to be a slave. Sayang. Pero mas maganda pa rin ako sa'yo kaya mas sayang." Bigla niya na lang kinuha ang balabal ko at hindi ko iyon nabawi ng mabilis.

"Akin na 'yan."

"Tch-tch. Sino ka sa akala mo at nakakayanan mong lumaban sa akin?" Tanong niya habang nilalaro ang balabal ko. Tinaasan ko siya ng kilay at nginisian.

"At sino ka naman sa akala mo para hindi ko labanan?"

"Ako ang prinsesa ng kaha--"

"And so? Kahit isa kang prinsesa, kaya kitang labanan. Ginagamit mo lang naman ang trono mo para apakan kami. At alam mo ang tawag doon? Mahina. Parang ML, napakaweak." Madiin kong sagot na mas lalong nagpainis sa kanya.

"Lapastangan! How dare you insult me like that? You mere slave. Tingnan mo ang mangyayari sa'yo kapag sinabi ko sa mahal na hari ang ginawa--"

"What's happening here?" Naestatwa ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Ang mahal na hari.

Humahangos na lumapit ang buwesit na prinsesa sa hari ng nasa likuran ko. Hindi ko magawang lumingon paharap. Ayaw gumalaw ng mga paa ko.

My Enigmatic Lucifer (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon